Chapter 20

53 0 0
                                    

Now I know kung bakit ang hirap maging isang college student na sinasabi nila. Madalas ay hindi ako naniniwala na mahirap daw ang isang college student dahil nasa katalinuhan at kasipagan iyon.







But now? Fuck as hell! Mas gustohin ko na lang na maggrounded at mawalan ng allowance kaysa sa mag-aral ako bilang isang college student. Nakakatamad.







Tatlong buwan na akong nag-aaral bilang isang college student kasama ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko tuloy sila lang ang masayang nag-aaral bilang isang college student, samantalang ako?







No fucking way! Dahil hindi talaga ako mahilig mag-aral. Tsk! Kung bakit ba kasi nirequired ang pag-aaral edi sana hindi na naghihirap ang kabataan ngayon. Bakit ba kasi kailangang mag-aral?!







"Ms. Del Castro, nakikinig ka ba?!" napaigtad ako ng biglang isinigaw ng aming professor ang apilyedo ko.








"Yes." casual na saad ko na lamang.







"Then, ano ang huli kong sinabi?"







Lihim naman akong napairap ng pagtitinginan ako ng ilang mga kaklase ko. Mga chismosa talaga dinaig pa ang mga taong taga Sitio Man-ai. Psh.








"Ms. Del Castro, nakikinig ka ba? That's it Sir." casual na asik ko na lang dito.







Biglang nagtawanan ang lahat sa isinagot ko. What the hell is there problem?! Ngunit agad naman silang natigilan nang biglang hampasin ng aming professor ang kanyang lamesa.








"Just keep quiet. And you Ms. Del Castro!" turo niya pa sa akin. Agad namang napataas ang kilay ko.








"Stand up!"







Wala na akong magawa kundi ang tumayo. Damn this!







"What are the three types of freedom?" tanong niya sa'kin nito.







"The kinds of freedom are: Physical, psychological, and moral."








"Goods, take your sit."







Napabuga na lamang ako ng hangin. Tanginang 'to buti na lang at alam ko ang sagot kung hindi ay nganga ang kinalabasan ko nito.







"Ok just like what I said, magkakaroon kayo ng isang competition sa kabilang university doon sa COC College State Of Mindanao University. Magkakaroon ng isang banda sa school na ito at kailangan ninyong supportahan ang paaralan na ito. Dahil ipeperform ang ating banda sa school na iyon. Naiintindihan niyo ba?"






"Yes Sir!" sabay-sabay naman nilang sagot habang ako ay naguguluhan.









"Kayo ang gagawa ng mga banners or whatever ang 3rd year college ang magpeperform kaya supportahan ninyo sila alang-alang sa paaralan na ito."








"Yes Sir!"







Now I get it. Susuportahan namin ang ang 3rd year college dahil may banda silang ipeperform sa kabilang university.








"Simula bukas ay gagawa na kayo ng mga banners para sa pagsupporta ng mga banda nila kaya sana supportahan ninyo sila at kung sino man ang pupunta sa competition at papanoorin ang banda ay siyang exempted sa test ko. That's all for today good bye."







A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now