Chapter 17

42 0 0
                                    

So this is love? Isn't it right?






Bakit ganito? Kung kailan unang beses kong nainlove sa may girlfriend na pala. Hindi ko pinahalata na nasasaktan ako pinilit kong maging masaya kahit na pakiramdam ko ay nasasaktan ako.






Bukas na ako uuwi sa amin. Dapat masaya ako pero ni isa ay wala akong nararamdamang tuwa sa hindi ko malamang dahilan. My mom called me yesterday sabi niya kukunin na daw ako bukas dahil may emergency nagtataka nga ako dahil wala pang isang kalahating buwan ako nandito.






Kailangan ko nang lumisan sa lugar na ito. Itong lugar na puno ng kamalasan ko, kahit na maraming bagay ang nangyari sa'kin dito pakiramdam ko isa iyong masayang ala-ala. Pero isang malaking pagkakamali ngalang dahil nahulog ang loob ko sa isang lalaki.






Balak kong pumunta ngayon sa hacienda dahil gusto ko sanang magpaalam sa mga taong nakakahalubilo ko dito. Mga taong pinapakitaan ko ng isang masamang ugali. Pakiramdam ko napamahal na ako sa lugar na ito. Ang magagandang tanawin na kailan man ay hindi ko makakalimutan.







"Hazel sana maging matino ka na doon ah, huwag ka nang maging pasaway," saad sa akin ni lolo.







"Oo naman po lolo good girl kaya ako" masayang saad ko na lamang.









"Makakaalis ka na sa lugar na ito. Isang lugar na pinakaayaw mo,"








Napangiti na lamang ako. "Gusto ko na po itong lugar na ito sa loob ng pananatili ko rito lolo,"







"Aba eh bakit naman?"







Napabuntong hininga na lamang ako bago muling nagsalita. "Dahil habang tumatagal napamahal na ako sa lugar na ito kahit na marami akong kamalasan dito."








Natawa naman si lolo sa itinuran ko. "Oh? eh...gusto mo dito ka na lang tumira?"







Agad naman akong umiling. "Ayoko ko po,"








"Aba eh bakit naman?"







"...kasi hindi ako dito nababagay, hindi dito ang lugar na kinasanayan at kinalakihan ko..."






Atsaka may dahilan pa. Ayokong manatili dito dahil pakiramdam ko masasaktan lang ako...






Tumango naman siya. "Hmmm....sabagay hindi ka nga sanay sa lugar na ito,"






"Lolo samahan mo ako sa hacienda dahil bago ako mauwi sa amin gusto kong masilayan ang buong hacienda," saad ko na lamang.






"O siya sige tara, huwag na lang natin isama ang lola mo dahil busy sa kanyang pagtatahi"






"Sige po,"






Nagbago ang isip ko sa mga mahihirap at mga taong taga-bundok sa loob ng pananatili ko dito. Hindi sila isang salot, hindi sila kawawa dahil kumakayod sila para lang may makain sila.





Kahit na naghihirap sila ay nagagawa pa rin nilang maging masaya dahil....kasama nila ang pamilya nila. Sa pagtira ko dito ay marami akong natutunan kapalit ang mahulog sa isang tao.






Kagaya ng mga sinasabi nila sadyang mapaglaro si cupido ang siyang nagsisilbing tadhana pero mali ang napana niya dahil naipana niya ako sa isang tao na kailanman ay hindi ako kayang mamahalin pabalik dahil may ibang nagmamay-ari sa puso niya.






A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now