Chapter 4

101 4 0
                                    

Sa lahat ata ng malas na araw ay iyon na ata ang pinakamalala sa lahat! Dalawang araw na ang nakalipas at ito ako naka-upo habang iniinda ang pagkakasprain ko sa aking kanang paa.



Nagamot na ito pero hindi doctor dahil isang albularyo. Ewan ko nga ba kung totoo iyong paggamot niya sa akin. Hinipan lang naman niya tapos may binulong bulong pa. Anong klaseng paggamot iyon? Tanga lang?



Mag-iisang linggo na akong nandirito at parang anytime gusto ko na lang umuwi sa amin pero naiisip ko na kapag umuwi ako baka totohanin ni papa na kukunin niya ang binigay niyang sasakyan.



Ano na kayang itsura nang Cagayan ngayon?? Hayyssttt... namimiss ko na ang mga pinaggagawa ko doon. Hindi ko rin maopen ang social media ko dahil walang signal at tanging pantawag at text lamang ang nandito. Malas talaga!



Nababagot na ako wala akong magawa dito kundi ang tumunganga. Mabuti na lang at hindi na gaanong masakit ang mga tuhod ko sa tulong ng mefenamic kuno.




"Excuse me? Pahingi ng juice puwedeng pakikuha?!" tawa ko sa isang maid.




"Opo ma'am!"



Wala sina lola at lolo dahil pumunta sila sa hacienda. Tanging tatlong kasambahay lang ang kasama ko dito. Napabuntong hininga na lamang ako. Kamusta na kaya sina Liza at iyong mga kaibigan ko? Namimiss ko nang gumimik at magparty kasama ang mga kaibigan ko.




"Ma'am ito na ang juice po ninyo" saad sa akin ng maid na may hawak na juice. Iyong maid na mukhang kaedad ko lang.




"Ilagay mo lang dyan." saad ko na lamang sa kanya. Agad naman niyang inilagay sa lamesa ang juice at tumalikod na. "Wait..." pagpipigil ko dito sa kanya.



"Ano po iyon ma'am?"




Kunot noo ko siyang hinarap. "Anong pangalan mo?" nakahalukipkip na tanong ko dito sa kanya.



"Lea po ma'am,"



Tumango na lamang ako sa kanya. "Ok. You can go."



Naalala ko naman iyong lalaki na nagpasakay sa akin sa likod niya. Ang lalaki na iyon ay napakahambog. Tsk! Taga-bundok lang naman!




Wait? Ano nga ulit ang pangalan non? Pero infairness may guwapo palang nilalang dito sa bundok na ito. Pero hindi ko siya type!



Napapadyak na lamang ako sa inis dahil sa kabagotan ko dito sa bahay na ito. May mga libro naman pero tamad akong magbasa.



Naisipan ko na lamang na lumabas na lang ng bahay at magmasid sa paligid. Baka sakaling hindi na ako mababagot. At sa paglabas ko ay mga batang naglalaro ng patentero ang nadatnan ko. Napatakip pa ako sa aking ilong dahil sa alikabok sa nalilipad ng hangin sa tuwing nagtatakbuhan sila.




Pinagmasdan ko nang mabuti ang mga bata na naglalaro na mukhang aliw na aliw sa nilalaro nila. At sa kaliwang banda naman ay ang mga babaeng naglalaro ng chinese garter.




Wala pa akong naging ka close sa lugar na ito dahil hindi ako interesado at isa pa wala talaga yan sa vocabulary ko.



Nakahalukipkip na pinagmasdan ko lamang sila at sumanda sa isang gate sa bahay nina lola. Ngunit agad na napakunot ang aking noo nang tumigil sila sa kanilang paglalaro at tumingin sa gawi ko.



Ayan naman iyang mga tinginan nila na tila ba mga ignorante. Tsk! Taga bundok nga naman. Tinaasan ko na lamang sila ng kilay at inirapan. Nakita ko namang nagbubulong-bulongan ang ibang mga bata na ikina-inis ko.




A Love Goes By HaciendaWhere stories live. Discover now