Nasa may library ako ngayon para gumawa ng assignment. Hindi ako nakagawa kahapon dahil gabi na kaming nakauwi nila Kuya Nathan, kapatid ko.Nagyaya kasi si Mama na kumain sa labas. Madalang lang naman iyon mangyari kaya hindi ko na nasabi na may mga assignment ako na kailangan gawin.
Kaya nayon inagahan ko ang pagpasok para gumawa ng assignment.
Wala kaming first subject ngayong umaga at pang third subject pa namin itong assignment na ginagawa ko ngayon. Sayang naman kung hindi ako gagawa dahil baka maging dahilan pa ng pagbaba ng grades ko at ayaw ko naman na mawala sa top ngayong grading period na ito.
Ako ang pangatlo sa mataas na grade sa section namin. Noong first year ako ay nakasama na ako sa top ten ng klase namin. Siyempre gusto ko parin na masama ako sa top kahit na hindi ako nakakaabot ng top one. Masipag akong mag-aral dahil wala naman akong ibang pagkakaabalahan kundi ang mag-aral.
I'm Nathalie Ann Mendez or NAM for short 4th year high school sa Risen High and 16 years old.
Nerd daw ako iyon ang sabi saakin ng mga kaklase ko. Pangit daw akong manamit. Hindi ko alam kung anong pangit sa pananamit ko dahil pare pareho lang naman ng uniform ang mga babae dito.
Pare pareho lang naman kami ng uniform kaya paano ako naging nerd?
Siguro dahil sa hindi ganon kaiksi ang palda ko. Sabi saakin ni Jaila pabawasan ko daw ng kaunti ang palda ko para daw hindi ako naiiba. Ang dapat na above the knee na palda ko ay naging below the knee. Ayoko naman ng ganun dahil hindi ako kompartable.
Ngunit dahil sadyang makulit ang mga kaibigan ko binigyan ako ni Jaila ng school uniform na palda pero hindi ko naman iyon sinusuot.
Si Jaila kasi fashionista'ng babae iyon at akala mo model kapag nag aayos o kaya naman kapag nagsuot ng magagandang damit. Kaya ang gusto niya ay pati ako idamay nya sa style kung paano sya manamit.
Para syang palaging nag momodel kaya palagi syang nagiging representative tuwing may darating na event.
Nanalo si Jaila noong 3rd year ng Ms. December. Bagay naman sakanya iyong mga pagsali sa mga pageant dahil matangkad, maputi, mayaman, mabait at maganda sya. Nasakanya na ang lahat kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nanliligaw sakanya.
Sad to say hindi ako maganda.
Hindi ko alam kung bakit ako naging bestfriend ni Jaila dahil magkaibang magkaiba kaming dalawa. Tinulungan ko lang naman syang gumawa ng project nung first year kami pagkatapos noon ay sabi nya magbestfriend na daw kami. Kaya simula noong araw na yun hindi na nya ako tinigilan. Palagi ko syang kasama, hindi naman sya masamang tao kaya hinayaan ko nalang syang lumapit saakin hanggang sa naging totoong magbestfriend na nga kami.
Habang nagsusulat ako ng assignment may biglang bumagsak na mga libro sa book shelf kaya naman napatingin ang mga estudyante sa lugar kung saan may narinig kaming ingay.
"Sorry po."
Sabi iyon ng batang babae siguro ay first year palang. Nakayuko lang sya sa harapan ng lalaki.
Dinala ko ang paningin ko sa lalaking kaharap nya.
Biglang nag init ang mukha nang makita ko sya. Si Shawn Villanueva nasa library! Ang swerte swerte ko naman talaga dahil palagi ko syang nakikita. Gustong-gusto ko syang nasisilayan.
Gaya ng inaasahan ko hindi nya kinausap ang batang babae. Naka poker face lang sya habang nakatingin sa babae. Walang ka interest-interest ang expression na ipinapakita niya.
Palaging ganyan ang expression ng mukha nya. Natural na sakanya ang seryoso ang mukha at hindi sya palangiting tao.
Dinaanan nya iyong babae ng walang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)