"Ayan! Ang ganda mo." sabi ni Kevin saakin habang nakaharap ako sa salamin. Tapos na nya akong make up-an para sa JS prom namin ngayon. Light make up lang ang nilagay nya saakin, false eyelashes, lipstick, kinilayan nya rin ako at nagtalo pa kami bago ko sya payagan na ahitan yung kilay ko. Nakwhite cocktail dress ako at gold heels ito yung napili ni Kevin nung naghanap kami ng susuot namin sa prom. Oo si Kevin talaga yung namili ng isusuot namin ni Jaila ang tagal kaya namin naghahanap. Maganda naman yung suot ko pero naiilang ako dahil backless, medyo maikli at kita ang tyan ko!"Ang ganda ganda talaga ng anak ko." sabi ni Mama saakin. Umikot ako at ngumiti sa sinabi ni Mama.
"Ay syempre tita mana sayo di lang po naayusan tong si Nam kaya nagmumukhang manang." sabi ni Kevin saakin. Napanguso ako sa sinabi nya talagang sinabi nya yon ha! Sa harap pa ni Mama porket close sila ng Mama ko.
"Grabe ka!" sabi ko sakanya at kinurot sya sa tagiliran.
"Ganda naman ng kapatid ko. May date kaba?" sabi ni Kuya Nathan pagkababa nya ng hagdanan.
"Meron." sabi ko pero hindi ko sasabihin kung sino baka kilaka nya inisin lang ako o baka pagsabihan ako.
Nagpicture picture kami tuwang tuwa sila dahil ang ganda ganda ko daw, babaeng babae daw akong tignan. Naisip ko tuloy boyish ba ko? Hmm.
"Pumunta na kayo baka matraffic kayo." sabi ni Mama saamin.
"Opo Ma./Opo tita." sabay na sabi namin ni Kevin kay Mama. Kinuha ko iyong sling bag ko.
"Mag enjoy kayo. Kevin ikaw na bahala kay Nam sa pag uwi. Itext nyo ako ha. Mag ingat kayo." sabi ni Mama sabay kaming tumango ni Kevin.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa van ng tatay ni Kevin ihahatid nya kami papunta sa school. Itong van nila ginagamit sa trabaho ng tatay nya mabuti nalang ihahatid kami ni tito.
"Kagandang dalaga naman ni Nam. Sayang at naging babae rin itong si Kevin ikaw sana ang gelpren nitong si Kevin kung naging lalaki lang." sabi ng tatay ni Kevin natawa naman ako sa sinabi ni tito.
"Tay eww." sabi ni Kevin tinawanan nalang namin sya. Ayaw na ayaw talagang nasasabihan na lalaki.
Pinaandar na ni tito yung van. Excited ako sa JS Prom! Last year kasi hindi ako sumama ng prom noon kasi talagang hindi ko trip yung mga ganoon pero dahil nga nasali ako sa Mr and Ms ng school medyo naging interesado na akong mag attend ng mga ganito at isa pa nagkakaroon na kasi ng improvement saamin ni Shawn noon hindi kami nag uusap ngayon araw araw nakakapag usap na kami yon nga lang kapag trip nya lang lalo na kapag magkakasama sa iisang lugar sila Zion at Jasper nagsasalita sya.
"Nandito na tayo. Mag enjoy kayo. Itext mo ako Kevin kung uuwi na kayo susunduin ko kayo." sabi ng tatay ni Kevin pagkarating namin sa tapat ng school. Tumango naman si Kevin.
"Salamat tito/ bye tay ingat kayo." sabay na sabi namin kay Tito.
Lumabas na kami ni Kevin sa van marami naring pumapasok sa loob ng school. Sa open field gaganapin ang prom namin at sa labas palang rinig na rinig namin ang malakas na music. Gabi ang prom namin at hanggang madaling araw iyon wish ko lang hindi ako antokin kaagad.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)