Chapter 11

3.2K 90 5
                                    

"Nathalie, Zion kamusta na 'yong talent nyo para sa Mr and Ms August?" Tanong ni Ma'am Shara saamin.

Nasa classroom kami at kariring lang ng bell para sa unang subject namin.

"Okay na po tapos na po 'yong talent namin general practice nalang po sa Thursday." Sabi ko. Malapit na 'yong event na yun! Agust na next week at sa friday na gaganapin iyon.

Mamaya may practice kami sa pagrampa mamaya pagkatapos ng klase. Magheheels na naman kami!

"Good luck my students galingan nyo ha? Do your best, okay?" Sabi ni Ma'am Shara saamin ni Zion. Nakangiting tumango ako.

Nasa school field kami at oras ng klase namin sa PE. Pinayagan kami ng teacher namin na maglaro ng volleyball kaya lang hindi ako marunong kaya hindi ako sumali nanunuod lang ako. Si Kevin nakikilaro sa mga boys ng volleyball marunong naman sya kaya sinali sya nila Zion. Si Jaila naman sa mga babae. Nakaupo lang ako sa lilim ng puno at nanunuod.

"Nam! Paabot naman yung pamaypay ko!" Sigaw ni Kevin bago nya iserve ang bola. Tumayo ako at lumapit sa bag nya. Kinuha ko iyong pink nyang pamaypay at naglakad palapit sakanila.

"Nam! Bakit dyan ka dumaan dun sa gilid!" Sigaw ni Kevin saakin ng naglalakad na ako palapit sakanya. Lilingon palang ako natamaan na ako ng bola sa gilid ng tyan. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa gilid ng tyan ko. Ang sakit. Bakit pa palagi nalang akong napapahamak? Inayos ko ang salamin ko sa mata dahil medyo natanggal sa pagkakasabit sa tenga ko dahil bigla akong napaupo sa sahig.

"Shit! I'm sorry Nathalie." Sabi ni Zion at mabilis na lumapit saakin. Ganoon din ang ginawa ni Kevin hanggang sa naglapitan iyong mga kaklase ko saakin. Ang lakas palang pumalo ng bola ni Zion may galit yata sya eh.

May biglang humawak sa magkabilang braso ko at inalalayan akong tumayo. Nagulat ako ng makita si Shawn na naroon. Kanina ko pa sya hinahanap ang alam ko nagpunta sya sa canteen pero nandito na sya kaagad? Napatingin ako kay Zion ng bigla syang umalis.

"Okay ka lang?" Tanong ni Shawn saakin kaya nabalik ang tingin ko sakanya. Dahan dahan akong tumango. Nawala sa isip ko na masakit iyong pagkakatama ng bola saakin. Kinalabit ako ni Jaila kaya nilingon ko sya nginitian nya ako ng may kahulugan ag nagthumbs up sya saakin. Alam ko iyong ibig nyang sabihin. Natutuwa sya dahil tinulungan ako ni Shawn! Ako rin tuwang tuwa.

"Oh tapos na ang scene balik na sa laro." Sabi ni Kevin sa mga kaklase namin. Tumingin saakin si Kevin may bahid ng guilty ang mukha nya ng iabot ko sakanya ang pamaypay nyang pink.

"Thank you Nam sorry natamaan ka ng bola kase naman ang gaga mo eh." Sabi ni Kevin saakin at nagpeace sign. Natawa ako sa sinabi nya at napailing. Kahit kailan talaga si Kevin!

"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Natamaan ka tuloy ng bola." Sabi ni Shawn saakin.

Nakapatong ang baba ko sa tuhod ko hangang yakap ko ang tuhod ko. Inaya nya akong maupo sa ilalim ng puno. Kaming dalawa lang kaya masayang masaya ang damdamin ko na kasama ko sya. Pinapanuod lang namin iyong mga kaklase namin na naglalaro pero habang pinapanuod namin sila sinesermunan ako ni Shawn. Ngayon nararanasan ko na 'yong kasungitan ni Shawn.

"Hindi ko kasi namalayan na pinalo na pala ni Zion yung bola." Sabi ko habang nakatingin sa mga kaklase namin na naglalaro. Nahihiya akong tumingin sakanya.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon