"Mr and Ms September candidate number 6 Zion Thee Velasco and Nathalie Ann Mendez!"
Sabi ng emcee namin sa practice at naglakad kaming dalawa ni Zion ng sabay papunta sa gitna at naghiwalay kami sa magkabilang gilid ng stage at nagpose. May microphone na naka set up sa magkabilang gilid ng stage dahil magsasalita kami.
Nasa school gym kami at nagpapractice pagkatapos naman nito practice naman ng talent. Nastress na talaga ako!
Kinakabahan ako.
First time to sa buong buhay ko na sumali sa ganito.
Pagkatapos namin magpakilala naglakad kami ulit sa gitna at nagpose bago bumalik sa pila namin. Ang sakit na ng paa ko! Kanina pa kami nagpapractice at nakaheels pa naman kami.
Pumalakpak iyong president ng student council kaya tumingin kami sakanya. Sana pinaupo muna nya kami bago sya mag announce gusto ko ng maupo masakit na talaga sa paa!
"Tandaan nyo lahat ng ginagawa natin tuwing practice ha? Bukas wala na munang practice ng rampa magpractice nalang kayo sa hapon ng talent nyo. Sasabihin nalang namin kung kailan ulit tayo magpapractice. Pwede na kayong umuwi," sabi ni president ng student council.
Napapalakpak ako sa sinabi nya dahil sa wakas! Tapos na ang pagdurusa! Nakakatuwa naman at natapos na. Ayoko ng magheels!
Naglakad na ako pababa ng stage magpapalit na ako ng tsinelas nagbaon na ako dahil uwian narin naman at magpapractice nalang naman kami ng talent.
"Aray!"
Napasigaw ako ng bigla akong matapilok. Ano na namang katangahan ang ginawa ko! Sa tuwa kong tapos na ang practice at sa pagmamadaling makapagpalit ng tsinelas natapilok pa ako! Pang ilang beses na akong natapilok ngayong araw.
Pinagtawanan na naman tuloy ako.
Umupo ako ng dahan dahan sa sahig. Mga tao talaga imbis na tumulong tumawa pa!
Nakakainis talaga sila porke't magaganda at gwapo sila! Ang sakit ng pagkakatapilok ko mabuti nalang hindi ako natumba mas nakakahiya iyon.
Lumapit saakin si Zion at lumuhod malapit sa paa ko. Tinignan nya muna ng masama iyong mga tumatawa bago nya tinanggal iyong heels na suot ko. Natigil sila sa pagtatawanan at nagsi-alis na.
"Palagi naman kitang sinasabihan na mag ingat ka pero hindi mo naiisip yun," sabi ni Zion.
Tinabi nya iyong heels na suot ko.
"Pwede naman kasing tanggalin na yung heels bago ka lumakad. Nagyapak ka nalang sana," Sabi ni Zion.
Ang sungit naman nito pinapagalitan pa ako.
Hindi ko naisip yun dahil ang nasa isip ko lang makapagpalit na ng tsinelas. Hinawakan nya iyong kanang paa ko kaya napapikit ako sa kirot. Mapapagalitan ako nito ni Mama hindi ako nag iingat.
"Dadalhin kita sa ospital," sabi ni Zion ng makita nyang napapikit ako.
"Huh? Bakit sa ospital pa?" sabi ko.
Pwede naman sa clinic nalang bakit sa ospital pa? Ayokong nagpupunta don!
"Sarado na yung clinic. Huwag ka na ngang maarte dyan natapilok kana nga sa katangahan mo nagtatanong ka pa kung bakit sa ospital," sabi ni Zion.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)