Kabanata 45

506 14 0
                                    

"Saan tayo kakain ng lunch?" tanong ni Kevin saamin habang naglalakad palabas ng campus.

Magkakasama kaming lahat. As in lahat kahit si Zion at Jasper nandito. Si Jaila kasama si Arkin.

"Mag Mcdo...wag na pala don. Sa KFC nalang kaya lang medyo malayo. Ano?" tanong ni Jaila saamin.

"Hay nako magkarinderya nalang tayo doon tayo kay Nay Rusing." sabi ni Kevin. Nauna na syang maglakad palabas ng gate. Sumunod nalang ako sakanya.

"Magkaaway parin kayo?" sabi ni Kevin saakin. Sumabay kasi ako sakanya sa paglalakad. Nasa likod namin si Shawn.

Hindi ako kumibo alam naman nya yon. Nakasama naman namin si Shawn sa lunch kahapon kaya lang sandali lang dahil pinapabalik na sya sa building nila para tumulong sa event nila kahapon. Hinayaan ko nalang. May incentives daw kasi sila sa pagtulong nila at hindi na sya nakatangi dahil pinili sya na sumamang tumulong sa mga officer sa departmeng nila. Naiintindihan ko yung part na yon dahil masipag talagang mag aral si Shawn ganoon din naman ako pero hindi ko nakakalimutan ang responsibilty ko bilang girlfriend.

Naglakad kami papunta sa karinderya ni Nay Rusing. Malapit lang rin naman iyon sa school dadaan lang sa iskinita and yon na makikita na kaagad ang kainan nila.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Shawn saakin ng makarating kami dito sa karinderya at naupo. Katabi ko sya syempre.

"Ako na." sabi ko at nilagpasan sya. Naglakad ako papunta kung saan nakalagay ang mga ulam.

Nauuna syempre sa pila si Kevin malamang gutom na gutom na. Kasunod nya ako at nasa likod ko si Shawn.

"Nay sinigang po one rice." sabi ko ng matapos na si Kevin sa pagbili.

"Pinapila ka yata ng boyfriend mo?" sabi ni Nanay rusing saakin habang naglalagay sya ng ulam sa pinggan.

"Ay Nay hindi po." sabi ko.

Nasanay si Nanay rusing na si Shawn ang bumibili ng kakainin ko. Nanibago siguro sya ngayon na ako ang bumili.

"Ito po Nay." inabot ko ang bayad ko kay Nanay pero may naunang kamay na nag abot ng pera at si Shawn iyon.

"Shawn..." sabi ko. Oo sya ang bumibili ng pagkain ko noon pa pero hindi ko naman hinahayaan na sya palagi ang nagbabayad.

"Upo kana." sabi ni Shawn saakin. Bumuntong hininga ako at tumango. Tinago ko ulit ang pera sa bulsa ko. Bumalik na ako sa pwesto namin.

"Hay nako Nam magbati na kayo ni Shawn. Kung nakikita mo lang ang pagmumukha ni Shawn para syang problemado na hindi mo malaman." sabi ni Kevin ng makaupo ako. Pabulong lang naman nya sinabi kaya hindi maririnig ni Shawn at malayo naman ang pwesto namin sa may counter nila Nanay Rusing.

"May gusto lang akong matutunan nya. Nung una oo nagbati kami kaagad nung nag away kami pero naulit na naman diba?" sabi ko kay Kevin. Kahapon panay ang text nya saakin 11:30 na yata sya ng gabi natulog dahil iyon yung oras ng pinakahuling text nya saakin kagabi.

"Shut up na ko." sabi ni Kevin dahil nandito si Shawn.

Naupo na sya sa tabi ko. Inilapag nya ang dala nyang tubig sa gilid ng plato ko. Nakalimutan ko yung tubig.

"Salamat." sabi ko kay Shawn. Tumango lang sya.

Nang makapag order na ang lahat nagsimula na kaming kumain. Maingay ang lamesa namin kami lang ni Shawn ang tahimik. Sila nag uusap usap kaming dalawa hindi nakikisali.

"Ang bilis nyong kumain hindi pa kami tapos." sabi ni Jasper saaming dalawa ni Shawn dahil tapos na kaming kumain habang sila hindi pa.

"Maaga pa naman sige lang kumain lang kayo." sabi ko sakanila.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon