Chapter 42

2.4K 81 11
                                    


"Nam!"

"Nam gumising kana!" bumuntong hininga ako saka ako napilitan na tumayo. Kanina pa nila ako ginigising.

"Ang aga nyo naman." sabi ko sakanya habang nag iinat. Ang sarap ng tulog ko pero binulabog ng pinsan ko. Akala ko mamaya pa sila pupunta.

"Tulog mantika ka talaga. Mag ayos kana! Baka mainip si Sixto doon alam mo naman yon." sabi ni Mikay saakin. Naghikab ako bago tumayo. Inaantok pa ako eh!

Dumiretso ako sa cabinet ko para makapaghanap ng damit na masusuot at para makapamili narin ng daldahing damit.

"Balita ko may boyfriend kana daw ah?" tanong ng pinsan ko na si Mikay. Tumango lang ako, tulog pa utak ko.

"Isama mo sya ngayon!" sabi ni Mikay. Tumingin ako sakanya. Seryoso sya? Akala ko ba kami kami lang ang magkakasama ngayon? Walang boyfriend o ano man.

"Kasama mo boyfriend mo no?" tanong ko kay Mikay.

"Hehe." nagpeace sign si Mikay. Napailing nalang ako. Wala talagang natutupad sa usapan namin.

"Kasama ni Sixto yung fling nya so sinama ko rin si Jayvee." sabi ni Mikay.

"Osige itatanong ko muna kung makakasama sya." sabi ko sakanya. Baka kasi busy sya ngayon ang sabi nya kasi maglilinis sya ng bahay nila.

"Tara na." sabi saamin ni Sixto ng makababa kami ng hagdanan ni Mikay. Tama nga si Sixto kasama nya yung fling nya....si Hayley. Ang liit talaga ng mundo.

"Ma alis na po kami/ Tita alis na kami." sabay na sabi namin ni Mikay kay Mama na nasa gilid ng bahay nagwawalis ng mga dahon.

"Sige mag ingat kayo itext nyo ako kung nakarating na kayo." sabi ni Mama saamin sabay kaming tumango ni Mikay.

"Ang tagal nyo." sabi ni Sixto ng makasakay kami sa van ni Kuya Kyle kasama rin namin sya, nakakatandang kapatid sya ni Sixto may kasama syang babae na nakaupo sa passengers seat.

"Nam this my girlfriend, Zarina." sabi ni Kuya Kyle saakin ng mapansin nyang tumingin ako doon sa babaeng kasama nya.

"Hello po." sabi ko ng lingunin ako ng girlfriend ni Kuya Kyle.

"Hi, nice to meet you." sabi ni Ate Zarina. Nginitian ko sya. Maganda sya at mukhang mabait.

Nagsimula na kaming magbyahe sa pupuntahan naming resort. Sa dulo ako ng van nakaupo at napansin kong puro couple pala ang kasama ko ngayon. Ang galing talaga ng mga pinsan ko. Si Kuya Kyle kasama si Ate Zarina, si Mikay kasama yung boyfriend nya na si Jayvee at si Sixto na kasama ng fling daw nya na si Hayley. Hindi kasi makakasama si Shawn nagreply sya kanina naglilinis daw sya ng bahay nila. Sinabihan nya nalang ako na mag ingat at mag enjoy. Okay lang naman saakin na hindi sya sumama dahil alam ko naman na hindi talaga sya makakasama.

"Hey Nam where's Shawn?" tanong ni Hayley, nilingon nya ako.

"May ginagawa sa bahay." sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko sya trip kausap.

"Hindi sya susunod?" tanong ni Hayley. Ayaw ko man ipakita na naiirita ako dahil sa pagtatanong nya kay Shawn hindi ko parin naiwasan na magdikit ang kilay.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon