Chapter 33

2.5K 90 12
                                    

Biglang tumunog ang message tone ng messenger ko. Nagchat siguro Jaila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang nagchat...pero hindi sila Jaila.

From: Shawn 💕
Sorry.

Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit pa sya nagtext.

Nasa kwarto ako ngayon nakahiga bukod sa pagod ako iniisip ko pa si Shawn. Bakit sya nagsosorry? Dahil sinabihan nya ako ng masasakit na salita? Naguguluhan ako sakanya. Bumangon ako at binuksan ang maleta ko. Nasa labas sila Papa at Mama kausap si Lola nandun din si kuya Nathan. Ayoko munang lumabas nalulungkot talaga ako gusto kong maiyak. Kanina lang nasa pilipinas pa ako ngayon nasa New York na ako.

Kinuha ko ang box na binigay ni Jaila at yung box na binigay ni Jasper sa locker ko. Inuna kong buksan yung box na binigay ni Jasper nakabalot pa sya ng gift wrapper hindi ko naman birthday. Hindi pa sinasabi ni Jasper na buksan ko to pero gusto ko ng buksan.

Nung natanggal ko na yung gift warrper may nakita akong maliit na papel kinuha ko naman iyon at binasa.

Note: I know nagtataka ka kung bakit ganyan ang balot. This day is my Birthday Novermber 16, 20** Sana makasama kita sa birthday ko na tayong dalawa lang.
From: V

Napakunot noo naman ako. Birthday ni Jasper bukas? November 15 palang ngayon. Bakit hindi nya sinasabi saakin kanina? Ang daya wala manlang akong regalo sakanya ako pa ang niregaluhan nya. Mamaya tatawagan ko sya sa skype at babatiin tatawagan ko na rin sila Jaila namimiss ko na kaagad sila.

Kinuha ko ang box at tinignan ang laman isa syang relo. Teka parang pamilyar tong relo na to? Kulay pastel pink na relo sya. Saan ko ba to nakita? Wala akong maalala na may ganitong relo pero alam ko nakita ko na to dati. Isip ako ng isip pero wala talaga akong maalala. Sinuot ko yung relo at inayos ang oras. Infairness magaling pumili si Jasper bagay sakin.

Kinuha ko na ang box na binigay ni Jaila. Pagbukas ko maraming sulat. Napangiti naman ako nag effort talaga si Jaila na magsulat. Kinuha ko yung nasa unahan na papel. Pagbukas ko ng papel nagtaka ako nag iba yaaa yung sulat ni Jaila. Inayos ko yung salamin ko at nagsimulang magbasa.

"May kaklase akong babae na parang nerd pero hindi naman talaga sya nerd may dalawang kabigan naman sya at yung isa pinsan ko pa. Nung una wala akong pekiealam sakanya pero simula nung napansin kong sinusundan nya ako noon alam ko na na may gusto sya saakin. Sino ba naman ang hindi makakahalata kahit saan nakasunod sya. Tuwing walang klase palagi niya akong sinusundan sa library akala nya siguro hindi ko sya napapansin. Hanggang sa tumagal ng tumagal palagi syang nakasunod saakin. Hanggang sa nag 2nd year na kami. Naiinis ako dahil kahit gabi na akong umuwi sinusundan nya parin ako hinihintay nya akong umuwi bago sya umuwi sa bahay nila kaya simula din ng araw na yun maaga na akong umuuwi dahil alam kong sumusunod sya saakin. Ayokong mapahamak sya.  Hindi ko sya pinapansin wala naman akong pinapansin gusto ko lang na mag isa  dahil sanay na ako na mag isa pero isang araw nakita ko syang natutulog sa library hinihintay nya yata ako. Nilapitan ko sya at pinagmasdan. Maitim sya, palaging nakaipit, nakasalamin pero ng tignan ko sya sa mata bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko. Iniwan ko sya nung naramdaman ko yun hindi naman ako tanga para hindi ko malaman kung ano yung nararamdaman ko."

Napakunot noo naman ako sa nabasa ko. Si Jaila ba talaga tong nagsulat? Parang hindi sya. Kinuha ko yung kasunod na papel at nagbasa ulit. Naging interesado ako sa sulat.

"Gusto ko na tata sya. Paulit ulit ko yang iniisip. Gusto ko sanang pigilan tong nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan kahit wala syang ibang ginagawa nagugustuhan ko sya. Hindi ko alam kung bakit o paano. Nagulat nalang ako sa sarili ko na ako na ang sumusunod sakanya kapag hindi nya ako sinusundan. Simpleng babae lang sya walang arte sa katawan, mabait at matalino. Gusto ko syang kausapin at pansinin pero hindi ko magawa dahil takot ako na masaktan ako simula nung iwan kaming dalawa ni Ate Shara ng mga magulang namin natatakot na akong magtiwala at magmahal. Mahal na mahal ko sila Mama at Papa pero iniwan nila ako iniwan nila kami ni Ate ng hindi namin alam ang dahilan. Kaya simula nun natakot ako kaya hindi ako nag gigirlfriend takot akong maiwan. Febuary 13 ito ang araw na nakuha ko ang first kiss ng taong nagugustuhan ko natutulog sya sa library tinabihan ko sya at palihim syang hinalikan nung naramdaman kong gumalaw sya dali dali akong lumabas ng libraray. Sobrang saya ko ng araw na yun."

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon