"Okay class may magbabayad ba sainyo sa para sa tour?" sabi ni Ma'am Shara sa buong klase.Nahihiya tuloy ako kay Ma'am Shara.
Napagselosan ko pa siya kahit hindi nya alam. Malay ko ba kasing magkapatid pala sila ni Shawn at ngayon ko lang din naunawaan na magkamukha sila.
Hindi ko naman kasi alam na kapatid nya pala si Ma'am. Kahit na matagal ko ng gusto si Shawn marami pa pala akong hindi alam sakanya.
Naglapitan na ang mga kaklase ko para magbayad kay Ma'am Shara pati si Shawn at Jaila lumapit din para magbayad.
Napabuntong hininga nalang ako hindi ko pa kasi nasasabi kay Mama yung tungkol sa fieldtrip.
Nahihiya akong magsabi dahil gastusin ito.
"Guys hindi pa ba kayo magbabayad?" sabi ni Jaila habang naglakakad papalapit sa amin. Nakapag bayad na pala siya.
"Bukas pa ako makakapag bayad girl bukas pa ako bibigyan ni mudra," sabi ni Kevin.
"Eh ikaw Nam?" tanong ni Jaila saakin. Nagkibit balikat ako.
"Hindi ako sure kung makakasama ako..." mahinang sabi ko sakanila habang nakatingin kay Shawn.
Hindi naman nya ako makikita dahil nasa unahan sya at hindi naman iyon titingin dito kaya malaya akong nakakatingin sakanya mula dito sa likuran.
"Bakit!?" napalakas ang boses ni Jaila kaya nagtinginan yung mga kaklase ko at pati si Shawn dito sa pwesto namin!
Nagulat ako nang tumingin sya! Hindi ko ineexpect iyon! Hindi naman nagtama ang tingin namin pero baka nakita nyang nakatingin ako sakanya. Nakakahiya!
"Jaila quite..." sabi ni Ma'am Shara habang naglilista ng mga nagbayad.
Hindi naman masungit ang pagkakasabi ni Ma'am Shara. Ang sweet nga ng boses ni Ma'am.
"Sorry po Ma'am," sabi ni Jaila, umupo siya sa upuan sa harap namin ni Kevin.
"Ingay mo girl," sabi ni Kevin kay Jaila. Napailing nalang ako.
Maingay talaga si Jaila.
"Bakit hindi ka sure?" Tanong ulit ni Jaila.
Alam ko hindi ako titigilan ng tanong ni Jaila.
"Hindi ko pa nasasabi kila Mama dahil madaming gastos nahihiya akong magsabi."
Kailangan ko muna magpaalam kay Papa bago kay Mama dahil madalas kung anong desisyon ni Papa ganoon din si Mama at hindi pa tumatawag si Papa sa amin.
Araw araw tumatawag si Papa samin nagkataon pa na hindi gaanong nakakatawag lately si Papa dahil busy siya sa trabaho nya ngayon lalo na't may problema daw sa business nila Lola kaya nitong nakaraang araw talagang naging abala siya at hindi nakakatawag.
"Gusto mo pahi---" sabi ni Jaila.
"No."
Inunahan ko na siya dahil alam ko na ang sasabihin nya saakin.
Papahiramin nya ako ng pera at ayaw ko naman na gawin nya yun.
"Hindi. Ayoko," seryosong sabi ko sakanya.
Hindi naman porke't gusto kong sumama papayag na akong pahiramin nya ako ng pera. Hindi naman tama iyong ganon lalo na't pare-pareho kaming estudyante at wala pang sariling pera.
"Naguguilty kasi ako dahil ako ang nagpush sayo na maging representative ng section natin kaya nag offer lang ako para makatulong," sabi ni Jaila at yumuko.
Napabuntong hininga ako.
Kahit na naguguilty sya hindi porke't mabait sya basta basta nalang syang naglalabas ng pera nya.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)