Chapter 21

2.6K 85 11
                                    


Nanlalaki ang mata nyang nakatingin saakin. Ako rin naman kinabahan sa sinabi ko pero alam ko naman na ayaw nya kaya mapipilitan syang kuhanin iyong bracelet na binili ko para sakanya.

"Ano na? Kukunin mo ba o hindi?" Tanong ko sakanya. Itinapat ko sakanya ang hawak kong bracelet.

"Hindi..." Sabi ni Shawn. Tinignan ko sya ng ngiting nakakaloko.

"Talaga...Ikaw Shawn ha? Gusto mong mahalikan no?" Tanong ko sakanya. Lumapit ako sakanya pero umatras naman sya. Hmm. Natatakot ba sya?

"Kunin mo na kasi. Hindi naman magagalit si Nathalie sayo eh. Mukhang mabait na girlfriend naman sya sayo." Sabi ko sakanya habang mabagal na lumalapit sakanya. Habang lumalapit ako umaatras sya.

"Sino naman ang nagsabi sayo na girlfriend ko sya?" Sabi ni Shawn saakin. Napahinto naman ako sa paglapit sakanya at kunot noong nakatingin sakanya.

"Hindi ba? Palagi kasi kayong magkasama." Sabi ko napakamot naman ako sa ulo. Ang gulo naman nila ni Nathalie.

"Basehan ba yun? Edi ibig sabihin kayo din ni Jasper? O ni...Zion?" Sabi ni Shawn. Bigla akong kinabahan nung siya naman yung lumalapit saakin kagaya nya umatras din ako.

"Hindi ah! W-wala pa nga akong nagiging b-boyfriend eh." Sabo ko. Kinakabahan ako sa paglapit ni Shawn baka magaya ako sa iba na aksidenteng nakuha iying first kiss pero okay lang si Shawn naman to. Hihi.

"Good..." Sabi ni Shawn.

"Huh?" Napahinto ako sa paglalakad.

"Wala." Sabi ni Shawn at bigla nyang kinuha saakin yung bracelet. Lumalad ang ngiti ko sa labi kinuha nya yung bracelet na binili ko! Yes!Lumapit ako sakanya at yumakap. Minsan lang to!

"Hihi. Thank you Shawn! Thank you talaga." Sabi ko sakanya habang mahigpit na nakayakap sakanya. Susulitin ko na to kasi wala ng susunod aalis na ko next month.

"Bitaw..." Bigla naman akong napabitaw tinignan ko sya nakakunot noo syang nakatingin sakin. Napatingin ako sa kamay nya nakasuot na iyong bracelet na binigay ko! Whaaa! Grabe kinikilig ako!

"Hehe sorry." Sabi ko at nagpeace sign. Inirapan naman nya ako.

Nakatingin sya sa buhok ko bigla naman akong nahiya kasi naman nakakaconscious. Ano kayang iniisip nya? Bakit nakatingin sya sa buhok ko?

"Ang pangit mo na nga nagpakulay ka pa..." Sabi ni Shawn. Napanganga ako sa sinabi nya. Grabe ah. Siya lang yung nagsabi na pangit yung buhok ko. Nung nakita nga to ni Mama, Papa at Kuya nagandahan sila eh tapos sya napangitan anong klaseng mata ba ang meron si Shawn?

"Maganda kaya sabi ni Jasper." Sabi ko sakanya inayos ko naman yung buhok ko. Kagabi kasi nung nakita nya yung pinost ko picture sa FB kahapon pinuri yung buhok ko na bagay daw saakin at magandang tignan syempre natuwa naman ako. Minsan lang ako mapuri na maganda no! Ang itim ko kaya dati mabuti nalang binigyan kami ni Jaila ng sabon na gaking sa ibang bansa kaya medyo pumuti ako ng kaunti.

"Naniwala ka naman." Sabi nya bago tumalikod at lumabas ng rooftop pero dahil makulit ako sinundan ko sya.

Hindi naman sya nagreklamo hinayaan nya lang ako sumabay sakanya. Yung ibang nadadaanan naming mga tao napapatingin saamin. Siguro nagtataka sila kung bakit kami magkasabay at magkasama ni Shawn. Ang alam kasi nila ang madalas na kasama ni Shawn na babae si Jaila at Nathalie lang. Never pa siyang nagkaroon ng ibang babae na kasabay at kasama na ibang babae at swerte ako dahil nakasama ko sya!

"Ate Nam pwedeng papicture?" Sabi ng babaeng nakasalubong namin sa paglalakad huminto naman ako at ganun din si Shawn napangiti naman ako. Hindi nya ako iniwan hindi sya naglakad ng tuloy tuloy.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon