Mabuti naman lunes na ulit makukuha ko na ang phone ko kay Shawn! Hindi ko nagawang mabalikan dahil hindi ko gabi na rin nung sabado at nung linggo hindi naman ako makapagpaalam kay Mama na magpupunta kila Shawn.Kinakabahan ako! Although may password naman ang phone ko pero siguro naman hindi nya pakikielaman ang phone ko dahil sa likod ng phone sa phone case may picture si Shawn doon!
"Girl, kung naiihi ka umihi ka na nga para kang kiti kiti dyan na hindi mapakali," sabi ni Kevin habang nagpapaypay.
Maaga kaming pumasok ni Kevin dahil inaabangan ko si Shawn kukuhanin ko na ang cellphone ko. Alam din ni Kevin na nasakanya ang phone ko sinabi ko sakanya kanina.
"Oh ayan na pala eh!" Sabi saakin ni Kevin sabay tulak pa saakin.
Nakita namin naglalakad si Shawn papasok ng gate kaya naglakad narin ako papunta sakanya kahit nahihiya ako. Kung alam nyo lang nanlalamig ang kamay ko sa kaba dahil baka sabihin feeling close ako dahil lang sa parnter kami pero kailangan ko ng makuha yung cellphone ko! Mapapagalitan ako ni Mama kapag hindi ko nahanap yun. Sinabi ko kasi naiwan ko ang cellphone ko hindi ako pinagalitan dahil hindi ko naman sinasadya pero kapag hindi ko nakita yun mapapagalitan talaga ako.
"Good morning Shawn. Salamat nga pala sa pagsagot dun sa math," sabi ko kay Shawn at sinabayan na siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin saakin derederetso lang sya sa paglalakad.
Nung nakauwi na ako nung nagpunta ako sa bahay nila pagtungin ko sa papel ko may mga sagot na. Sinagutan pala nya noong natutulog ako. Nakakahiya man tong ginagawa ko ngayon pero kailangan ko tong gawin dahil nasakanya ang cellphone ko.
"Uh, yung cellphone ko nakita mo sa bahay nyo?" Tanong ko sakanya pero hindi parin siya tumitingin sakin.
"Hindi." Pagkarinig ko sa sinabi nya biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba at automatic na nanggilid ang luha ko. Nasaan na yung cellphone ko?
"Huh? Wala ba dun?" haala! Nasaan na ang cellphone ko binili pa naman ni Papa yun nung nagbirthday ako last year.
"Wala, kaya wag mo na kong sundan." paggkasabi niya nagmadali siyang maglakad kaya hindi ko na siya nasabayan.
Naiiyak na ako hindi dahil iniwan nya ako sa paglalakad naiiyak ako dahil sa cellphone ko!
Paano na to? Wala na akong cellphone hindi naman ako kaagad agad makakabili ng cellphone ang mamahal kaya ng cellphone ngayon! iPhone pa naman iyon. Saan ko ba kasi naiwala yun! Nakakainis naman oh!
Para akong zombie na naglalakad papasok ng classroom lumulutang ang utak ko dahil hindi talaga ako makaget over sa cellphone ko!
Ang dami ko pa naman selfie dun baka pinagtatawanan na ng nakakuha ng cellphone ko yung mga picture ko. Nilalagyan ko pa ng filter yung picture ko para naman kahit konti pumuti ako kahit sa picture lang! Sana makita ko na yung phone ko. Sana nasa bahay lang!
"Hello! Nam nandito ka ba? O nasa ibang planeta?"
Pabagsak akong umupo sa upuan ko walang wala ako sa sarili ko.
"Nam?!"
"NAM!!" Napaatras ako dahil sa sigaw ni Jaila nasa harap ko na pala siya, silang dalawa ni Kevin.
"H-ha? Ha?"
"Ano bang nangyayari sayo? Para kang zombie na naglalakad kanina?" nakapamewang na tanong ni Jaila.
"Yung cellphone ko kasi..." naiiyak na talaga ako seryoso!
Ikaw ba naman mawalan ng cellphone tapos iPhone pa hindi ka ba iiyak! Yun na nga lang yung libangan ko. Tapos tapos nawala pa! Paano ko na matetext si Shawn?
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)