Chapter 2

4.2K 105 5
                                    


Nakaharap ako ngayon sa salamin tinignan kong mabuti ang mukha ko.

Ako? Sa pageant? Seryoso ba sila? Pagtatawanan lang ako doon!

Nacurious na naman ako sa sarili ko! At sa sinabi ni Kevin kaninang umaga.

Kayumangi ang aking balat. Mahaba ang buhok straight naman hindi kulot may bangs din ako. Medyo makapal ang kilay. Nakasalamin dahil malabo ang mata ko. Tinignan ko ang damit ko naka short ako na hanggang tuhod at medyo maluwang na t- shirt.

Tama nga si Kevin old style ang meron ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Ilang beses ko na bang ginawa ito? Ilang beses ko na bang tinignan ang sarili ko sa salamin?

Paano ako mapapansin ni Shawn kung hindi naman ako maganda?

At paano ako sasali sa Mr. and Ms ng school eh wala naman akong panlaban? Ano bang pumasok sa mga isip nila at ako ang napagdiskitahan nila kanina?

Sa loob ng tatlong taon ngayon lang ako nasali sa pagiging representative ng section kung kailan 4th year na. Nakakaasar naman dahil bakit nila ako sinali! Matatalo lang kami.

Panigurado baka nilalait na ako ng mga kaklase kong iba o baka pati si Shawn? Huwag naman sana.

Ang tagal ko na din siyang naging kaklase simula first year hanggang ngayong fourth year magkaklase kami. Kahit isang segundo hindi nya ako tinitignan o kinakausap manlang. Siguro dahil hindi kami same vibes dahil pangit ako?

Si Jaila ang isang babae na madalas niyang kausapin dahil magpinsan sila.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na manghingi ng tulong kay Jaila kahit alam kong malapit sila ni Shaw.

Hindi naman ibig sabihin na pinsan sya ni Shawn gagamitin ko na si Jaila para lang mapalapit kay Shawn. Pakiramdam ko tuloy ayaw ako ni Shawn dahil hindi niya ako pinapansin. Lahat ng kaklase ko kapag kinakausap sya, tinitignan nya.

Hindi ko pa naman nasusubukan kausapin si Shawn ng walang dahilan. Siguro nakausap ko na sya ng tatlong beses at lahat ng yon ay may dahilan. Tungkol palagi kay Jaila kapag may itatanong lang sya.

Pabagsak akong nahiga sa kama at tumingin sa kisame. Ang tagal ko na pala syang gusto apat na taon na simula pa nung first year ako at hanggang ngayon gusto ko parin sya.

Ewan ko ba bakit ganun gusto ko lang naman siya pero bakit ganito katagal?

Diba dapat kapag gusto minsan nagbabago minsan nawawala minsan napapalitan. Ni minsan hindi ako umamin sakanya na gusto ko sya.

Natatakot akong mareject kagaya ng napapanuod ko sa TV at nababasa sa libro. Ayoko naman mangyari iyon kaya hangga't maaari huwag mag iingay ang dalawa kong kaibigan na may gusto ako kay Shawn.

Unang-una baka mapag usapan ako sa school dahil isa ako sa mga nagkakagusto kay Shawn na walang pag-asa baka lait laitin lang nila ako. Pangalawa natatakot ako na ireject nya.

Sa dami ng nakita kong nireject ni Shawn na babae na umiiyak tuwing iiwan sila ni Shawn habang nagsasalita sila doon palang dapat na akong kabahan dahil harap harapan ng sagot iyon para sa akin.

Ang gaganda na nga ng ibang babae na nagcoconfess sakanya wala pa rin syang natitipuhan. Iyong panunuod ko sakanila habang nagcoconfess kay Shawn nalulungkot at nasasaktan na ako, ako pa kayang hindi kagandahan? 

Pero ang sabi ni Kevin at Jaila paano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Ewan ko naguguluhan ako siguro mananahimik nalang ako sa nararamdaman ko para kay Shawn.

Nababaliw na yata ako sa kakaisip kay Shawn sa lahat ba naman ng lalaki sa school bakit sa taong tahimik, walang pakielam, seryoso pa in short cold guy na tao pa ako nagka gusto!

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon