Chapter 32

2.6K 79 17
                                    


"Kumpleto na ba tayong lahat?" Tanong ni Ma'am Shara.

"Opo Ma'am nandito na po lahat." Sabi ng kaklase namin.

Nasa bus na kami ngayon dahil pauwi na kami. Naglibot libot nalang kami kanina ni Shawn pagkayari namin bumili ng pasalubong. Natutuwa nga ako sakanya dahil sya yung nagbitbit ng binili ko kanina.

Sinuot ko na ang jacket ko malamig narin kasi dahil gabi na aircon pa naman tong bus. Matutulog muna ko matagal tagal pa ang byahe namin at isa pa wala rin naman akong gagawin hindi ko naman makausap si Shawn dahil natutulog na sya at mukhang pagod rin sya.

"Teka hintayin nyo ko bababa din ako."

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Pagdilat ng mata ko tumingin ako sa bintana nag stop over pala kami tumayo ako at tinignan sila Jaila wala sila sa pwesto nila. Umupo na ulit ako baka bumaba sula gusto ko rin bumaba naiihi ako tinignan ko si Shawn nanlaki yung mata ko nung makita ko ang jacket nya. Kagaya ng jacket ko! Nagkataon lang ba to?Kinikilig ako para tuloy kaming naka couple jacket naman oh! Dumagdag pa tong kilig ko lalo tuloy akong naiihi.

Tumayo na ako kailangan ko ng mag cr! Dumaan ako kahit na masikip dahil sa mahabang legs ni Shawn. Hindi naman sya nagising bumaba na ako at nagpunta sa cr nakita ko sila Jaila at Nathalie na nag uusap.

"Ang cute nilang tignan." Sabi ni Nathalie habang nakatingin sa cellphone nya.

"Oo nga grabe si Shawn hindi ko akalain na magsusuot sya ng couple jacket." Natatawang sabi ni Jaila napakunot noo naman ako.

"Couple jacket?" Sabay silang napalingon saakin. Nagulat pa sila nung makita ako.

"Nam? Gising ka na pala." Sabi ni Jaila.

"Hintayin ka nalang namin sa labas ah?" Sabi ulit ni Jaila tumango naman ako.

Nag cr lang ako at lumabas narin. Paglabas ko kasama na nila Jaila si Shawn. Nagising rin pala sya lumapit ako sakanila tinignan ko si Shawn nag iwas naman sya ng tingin saakin nahihiya ba sya kasi pareho kami ng jacket? Ang cute kayang tignan!

"Sila ba?" Rinig kong tanong nung babaeng dumaan. Tinignan ko sila nginitian naman nila ako at mabilis na naglakas palayo.

"Tss." Sabi ni Shawn. Umalis na siya at naglakad. Syempre dahil ako si Nathalie Ann Mendez sinundan ko sya. Sanay naman akong masungitan nitong gwapo na to.

"Saan mo binili yang jacket mo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami.

"Kung saan binili yang jacket mo." Sabi ni Shawn. Napakamot naman ako sa ulo.

"Huh? Hindi naman ako ang bumili nito." Sabi ko sakanya tinignan nya ako at umiling iling.

"Tss. Slow ka talaga." Pagkasabi nya umakyat na sya sa loob ng bus. Sumunod naman ako.

"Shawn may ibibigay pala ako sayo." Sabo ko kinuha ko yung bag ko at nilabas yung ginawa kong scrapbook.

Inabot ko sakanya yung scrapbook. Pinaghirapan ko yang gawin kaya dapat nyang tanggapin! Napakunot noo naman sya.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong nya.

"Basahin mo nakasulat dyan kung paano ako nagkagusto sayo. Tungkol lahat sayo yan." Sabi ko sakanya at nginitian sya. Tinignan nya naman yung scrapbook ko. Hindi diary ang ginawa ko dahil may mga picture si Shawn sa scrapbook na ginawa ko yung picture nya simula nya nung first year pa kami hanggang ngayon kung paano ko sya sinusundan noon pasimple ko syang pinipicturan. Sana matuwa sya sa nakalagay sa scrapbook na ginawa ko.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon