Chapter 17

2.7K 71 4
                                    

Hindi kami papasok ngayong umaga para magprepare sa Mr and Ms August na gaganapin na mamaya. Kinakabahan ako jusko! Ito na mamaya na iyon at first time ko to kaya panigurado matindi ang kaba na mararamdaman ko mamaya. Kahit hindi ako manalo basta magawa ko lang ng maayos yung pagrampa at iyong mga sayaw na sasayawin namin okay na.

"Nam, tatawag si Papa mo sa'yo sa messenger sagutin mo." Sabi ni Mama saakin pagkababa ko ng hagdanan. Kagigising ko lang anong oras na akong natulog dahil kinakabahan ako. Kahit anong pilit ang gawin kong matulog kagabi hindi ako nakatulog kaagad dahil iniisip ko ang mangyayari mamaya.

Tumawag nga si Papa nagvideo kami. Sinabihan nila ako ni Lola na good luck at magsend ng picture ko na nakaayos mamaya. Kapag daw nanalo ako reregaluhan daw ako ni Lola. Hindi na ako maghahangad hindi naman ako mananalo.

Inayos namin ni Mama iyong dadalhin naming damit, make up at sapatos. May best in sports wear, best couple clothes, best in uniform at bet in talent kaya marami kaming dalang damit at sapatos.

Nang nag alas dos na naligo na ako para pumasok sa school ang call time namin sa school 3 pm para doon mag ayos. Pagkayari kong mag ayos ng sarili inaya na ako ni Mama na pumunta sa school. Naka dress ako papunta sa school para daw madali nalang daw alisin kapag nagpalit ako.

Pagdating namin sa school dumiretso kami ni Mama sa school gym dahil doon gaganapin ang event. Pagpasok namin may malakas na music na tumutugtog at nag aayos narin ng stage ang student council. Naglalagay sila ng design sa stage at inaayos nila ang sound system. May mga mono block narin na nakaayos sa gym.

May apat na ten sa gilid at duon kami pinapunta ng student coucil para sa pag aayos namin. May kanya kanyang space kami para ilagay ang gamit at para makapagpalit ng damit. Inilagay ni Mama ang mga gamit namin sa maliit na lamesa. Dalawa palang kaming babae ang narito wala pa iyong iba. Tinext ko si Kevin na pumunta na sila ni Jaila dito. Si Kevin ang mag aayos saakin. Ilang minuto lang nandito na ang dalawa. 

"Good luck Nam! Galingan mo." Sabi ni Jaila saakin. Nginitian ko naman sya at tumango. Kung alam lang nila kung gaano nanlalamig ang kamay ko sa kaba.

Sinimulan na akong ayusan ni Kevin. Inuna nya iyong buhok ko. Niladal nya ang buhok ag sinuklayan.

"Teh, nag general cleaning kaba?" Tanong saakin ni Kevin habang sinusuklayan ako. Hinampas ko sya sa kamay sa sinabi nya niloloko na naman nya ako.

"Biro lang...ang tahimik ko kasi girl halatang kinakabahan." Sabi ni Kevin saakin. Kilalang kilala nya talaga ako.

"Syempre sa buong buhay ko first time ko lang to." Sabi ko sakanya. Never pa akong sumali sa ganitong event. Ngayon lang talaga kaya matindi ang kaba ko.

Habang kinukulot ni Kevin iyong ibaba ng buhok ko napapapikit ako dahil inaantok ako. Pero binabatukan ako ni Kevin tuwing nakikita nya ako sa harap ng salamin na nakapikit. Wag daw kasi akong matulog dahil matatapos na sya mamake up-an na nya ako.

Habang nilalagyan ako ng eye liner ni Kevin sa mata naiiyak ako kaya hindi kami matapos tapos sa paglalalagay ng eye liner sa mata ko. Pinatanggal nya rin iyong salamin ko at pinagsuot nya ako ng contact lens. Hindi ako sanay na walang nakalagay na salamin sa mata ko.

"Gaga umayos ka nga." Sabi ni Kevin saakin. Tumayo na si Mama at nilapitan kami ni Kevin kanina pa kasi kami nagbabangayan sa pagmamake up.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon