Chapter 34

2.5K 79 8
                                    


"Hindi namin akalain na iiyak ka ng dahil dun sakanya anak." Sabi ni Mama. Kumakain kami ng hapunan gabi na kasi dito. Ang lamig dito sa New York kailan makapal ang suot mong damit.

"Kasi naman papa... Matagal ko na po syang gusto eh." Sabi ko natawa naman sila saakin. Binasa kasi nila yung sulat sa kwarto ko natatawa pa nga sila saakin manang mana daw ako kay Papa ganyan din daw kasi sya noon kay Mama palaging nakasunod. Hindi naman nila ako pinagalitan pinagsabihan lang ako.

"Basta anak wag magpapabaya pinapayagan na kitang magboyfriend pero kailangan matataas parin grade." Sabi ni Papa saakin.

"Opo Papa." Sabi ko at ngumiti. Nagkwentuhan kami nila Papa niloloko nila ako kay Shawn syempre kinikilig ako.

Excited na nga akong umuwi eh! Kaya lang anim na araw pa bago kami bumalik sa pilipinas. Hindi na daw kami tutuloy sa pag enroll bukas balak kasi nila Papa ienroll na kami bukas pero dahil nga sa pag iyak ko babalik kami sa pilipinas. Okay narin naman ang kumpanya ni Lola. Kaya pa naman daw nyang patakbuhin iyon basta daw babalik balik si Papa dito sa New York.

Hindi ako makatulog namamahay yata ako. Tawagan ko kaya sa skype si Jaila at Kevin? Kaya lang baka hindi sila naka online ngayon umaga sakanila ngayon at dito gabi. Ano kayang pwede kong gawin? Mag facebook na nga lang ako.

SHAWN POV

"Umuwi na nga kayo." Inis na sabi ko sa dalawang pinsan ko sila Nathalie at Jaila umagang umaga nandito sila sa bahay namin

"Hindi pwede kailangan ka namin bantayan baka mamaya mag inom ka dyan." Sabi ni Jaila. Napailing nalang ako. Kanina pa nila sinasabi sakin yan. Ilang beses ko naman silang sinagot.

"Hindi ako umiinom." Sabi ko sakanilang dalawa. Ang kukulit.

"Kahit na malay mo maisip mo na uminom dahil broken hearted ka." Sabi ni Nathalie. Napahawak ako sa sintido ko sumasakit ang ulo ko sakanilang dalawa ang kulit. Tss. Oo broken hearted ako pero hindi ko idadaan sa pag inom to.

"Tss. Mga baliw." Sabi ko at tumayo kailangan ko ng takasan tong dalawa.

"Hoy Shawn saan ka pupunta?" Tanong nilang dalawa. Tss. Close na close tong dalawa nato noon hindi naman nagpapansinan yang dalawa.

"Kung saan wala kayong dalawa." Naglakad na ako palabas ng bahay bahala silang magbantay ng bahay namin.

"Wag kang manununtok ng ibang tao ah? Wag kang iinom! Magagalit si Nam sayo." Sigaw ni Jaila.

Tss. Paano ako makakalimot kung palagi nilang pinapaalala saakin si Nam.

"Shawn!" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jasper.

"Pinapunta ako ni Jaila." Sabi nya. Tss. Parang aso talaga to.

"Tss. Umuwi ka na. Hindi ka welcome sa bahay namin." Sabi ko. Alam ko na kung bakit sya pumayag na pumunta to dito.

"Ayoko nga." Sabi nya. Tss. Parang tanga.

"Tigilan mo si Jaila. Babaero." Sabi ko sakanya.

"Hoy Shawn grabe ka naman. Hindi ako babaero." Sabi nya saakin. Tinitigan ko sya ng masama. Tss hindi daw babaero kalat sa school na lahat ng nakakasamamg babae ni Jasper sa isang araw naging girlfriend nya.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon