Chapter 5

3.5K 84 3
                                    


"Pupunta lang ako sa locker ko mauna na kayo," sabi ko kay Jaila.

Nasa CR kami dito sa locker room dahil nagpalit kami ng P.E uniform.

"Sige sunod ka nalang sa gym. Mauuna na ko," sabi ni Jaila, tumango nalang ako.

Naglakad na ako papuntang locker ko ilalagay ko ang cellphone at wallet ko sa locker.

Binuksan ko ang locker ko at katabing locker ko nga pala si Shawn. Noong nalaman ko yun nagtatalon ako sa tuwa dahil magkatabi lang yung locker namin hindi ko alam na sya pala ang may ari nung kabilang locker dati!

Nilagay ko na ang wallet at cellphone ko sa locker pagkasarang pagkasara ko ng locker ko biglang may kumuha ng salamin ko sa mata tapos hinawakan ako sa balikat ko.

Nasa likuran ko sya sinubukan kong tumingin sa likod pero pinigilan nya ang balikat ko kaya hindi ko sya makita.

"Sino ka? Bakit mo kinuha yung salamin ko?" tanong ko sa taong nasa likod ko.

"Hindi mo na kailangan malaman," sabi nung taong nasa likod ko.

Tama nga ako lalaki sya.

"Ibalik mo na sakin yung salamin ko. Ano bang kailangan mo?" tanong ko sakanya.

Sinubukan kong lumingon ulit pero pinigilan nya ako sa balikat.

"Ikaw..." sabi nya. Napanganga naman.

Ano? Ako daw?

"Ako? Bakit ako?" tanong ko.

Bakit ba palagi nalang may nantitrip saakin?

"May gusto ka ba sakin?" tanong ng lalaki.

Nababaliw na yata tong lalaking kausap ko kung ano-anong sinasabi.  Ni hindi ko nga sya kilala!

"Huh? Hindi naman kita kilala bakit ako magkakagusto sayo?" sabi ko sakanya.

Anong trip nya?

"Eh sinong gusto mo?" tanong nya.

Sino ba talaga to? Bakit ba tanong sya ng tanong?

"Wala ka na dun. Akin na yung salamin ko," sabi ko.

Sumasakit na yung ulo ko.

Lumapit ako sakanya at kinapa ang kamay nya baka sakaling makuha ko yung salamin ko pero umatras sya.

"Sabihin mo muna sakin kung sino yung taong gusto mo ibabalik ko tong salamin mo," sabi nya.

Nakakainis naman to. Sumandal ako sa may locker dahil masakit na talaga sa ulo.

"Ayoko wag ka na ngang makulit sumasakit na yung ulo ko," sabi ko at hinilot ang sintido ko.

"Sabihin mo na..."

"Ayoko nga bakit mo ba ko pinipilit?" sabi ko.

Naiinis na ako dahil masakit sa ulo.

"Basta. Sabihin mo na. Ibabalik ko sayo to kapag sinabi mo na," sabi nya.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon