Chapter 28

2.5K 82 18
                                    


"Jaila!" Tawag namin kay Jaila nung nakababa na sya ng sasakyan nila.

Nandito kami sa labas ng gate dito ang hintayan namin 3:50 Am na malapit ng mag 4:00 Am malapit na kaming sumakay ng bus hinihintay nalang namin ang iba pang mga kasama namin sa bus.

Suot ko na ang jacket na binigay ni Jasper ang ganda kasi. Naka jacket din ang iba naming mga schoolmate dahil malamig. Ang aga kong nagising kanina 2:00 Am palang gising na ako excited kasi ako eh! Nandito na si Shawn kasama nya si Ma'am Shara. Nagtataka nga yung ibang mga estudyante kasi kanina sabay silang dumating dito hindi kasi nila alam na magkapatid si Ma'am Shara at Shawn.

"Tara punta kila Ma'am Shara." Sabi ni Jaila. Tumango naman kami ni Kevin at naglakad kila Ma'am Shara kasama nila yung mga kaklase namin. Kasama namin sa bus si Ma'am Shara dahil sya yung homeroom teacher namin.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Ma'am Shara.

Tumingin naman kami sa mga kaklase namin konti lang kaming kasama mga 30+ lang kami sa section namin.

"Pumunta na tayo sa bus 9." Sabi ni Ma'am Shara nung makumpleto na kami.

Pumunta na kami sa bus 9. Hindi ko pa alam kung sino ang katabi ko pero sabi nila may pangalan naman daw yung upuan kaya makikita ko rin kung sino yung katabi ko sana naman babae. Ang daya talaga hindi nila ako pinapili ng upuan! Umakyat na kami sa loob at nagkanya kanyang hanap ng pwesto yung iba nakaupo na kaagad nung nakita nila yung pangalan nila. Sa bandang dulo pa tata ako wala kasi yung pangalan ko sa unahan. Inayos ko yung salamin ko at naglakad ako papuntang dulo ng bus pero nagulat ako nung nay humila sa braso ko kaya napaupo ako.

"Dito ka." Sabi nya sakin. Napakunot noo naman ako. Sya yung katabi ko?

"Magkatabi tayo?" Tanong ko sakanya. Umayos ako ng upo at tinignan sya.

"Ganyan na ba kalabo yang mata mo para hindi mo makita ang pangalan mo?" Tinuro nya pa ang pangalan ko na nakalagay sa sandalan. Tinignan ko naman 'yon. Buong pangalan ko pa ang nakalagay.

"Hindi naman. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jasper. Oo si Jasper ang nanghila saakin. Nagtataka nga ako eh sa kabilang section sya tapos napunta sya dito ang alam ko bus 3 sya.

"Nagpalipat kami ng bus ni Nathalie." Sabi ni Jasper at nginitian ako. Napakunot noo naman ako bakit sila nagpalipat?

"Bakit naman?"

"Para makita kayo..." Kumunot na naman yung noo ko sa sinabi nya. Ang hilig talagang mambitin ng sasabihin tong si Jasper hindi nililinaw.

"Kami? Sinong kami?"

"Oh ayan na pala yung katabi mo." Sabi ni Jasper tumingin ako sa tinitignan nya.

"Shawn!" Sabi ko. Kumurap kurap pa ako at inayos ko pa yung salamin ko para malaman kung si Shawn ba talaga yung katabi ko. Naka plain blue t-shirt at pants lang sya tapos black vans. Hindi sya naka jacket mukhang hindi sya nilalamig.

"Pati ba naman upuan aagawin mo rin?" Inis na tanong ni Shawn kay Jasper.

"Chill lang. Ang lamig lamig ang init ng ulo mo." Tumayo na si Jasper sa pagkakaupo sa tabi ko sya dahil sya iyong nasa bintana.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon