Chapter 30

2.5K 87 21
                                    


Nasa kulturang pinoy kami ngayon nakaupo kami sa loob ng isang room kung saan may mga sasayaw namili sila ng mga estudayante kanina. Kasama nga sila Kevin at Jaila. Hinihintay nalang namin silang lumabas sasayaw sila ng lumang sayaw.

Nung lumabas sila nagtawanan kami dahil sa mga itsura nila yung ibang kasali mukhang nahihiya pero si Jaila at Kevin parang feel na feel pa nila yung suot nila. Nagsimula na silang sum ayaw sinusundan nila yung lalaking nagtuturo. Pagkayari ng sayawan sa room nayun pinalabas na kami at nagpunta naman kami sa isang room na puro 3D at syempre nagpicture picture kami may picture kami na may kasamang mga ita may picture kami na nasa bahay kubo at marami pang iba.  Pagkayari namin sa kulturang pinoy pinabalik na kami bus dahil sa MOA na nag next destination namin! Dun nalang kami kakain ng tanghalian.

Tahimik na naman si Shawn gusto ko syang kausapin kaya lang wala akong maisip na tanong. Ang tahimik nya naman kasi bakit ba ayaw nyang magsalita? Kung magsasalita man sya ang tipid.

"Nam oh..." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jasper pala nasa gilid sya ni Shawn nakatayo.

"Wow! Pringles." Kinuha ko naman yung inabot nya at binuksan.

"Sayo na yan." Sabi ni Jasper saakin.

"Salamat." Nakangiting sabi ko sakanya. Ang tagal ko narin hindi nakakakain ng pringles ang mahal kasi nito.

"Tss. Nagpunta ka pa dito para lang ibigay sakanya yan? Pwede naman ipaabot." Inis na sabi ni Shawn kay Jasper kaya napatingin ako sakanya. Magkadikit na naman yung kilay nya.

"Mas okay kung ako mismo ang magbibigay para nakakakilig." Sabi ni Jasper tumingin naman sya saakin at kumindat.

Napailing nalang ako nag iinis na naman. Ang lakas ng trip nya sa lahat ng iinisin nya si Shawn pa. Inirapan lang sya ni Shawn sinenyasan ko syang bumalik na sa upuan nya baka mamaya mainis tong si Shawn masuntok na naman sya.

"Gusto mo?" Inalok ko sya ng pringles inirapan nya lang ako. Hala pati saakin nagalit wala naman akong ginaawa sakanya.

Kinakain ko na yung binigay ni Jasper ito naman katabi ko kanina pa magkadikit ang kilay. Bakit ganun? Kapag gwapo kahit magkadikit ang kilay at kapag nagagalit gwapo parin? Nakakainis ah! Bakit ako pag nagagalit namumula? Inayos ko yung salamin ko at sumadal tumingin nalang ako sa bintana medyo mainit na sa labas.

"Pwede pahiram ng earphone?" Tanong ko kay Shawn pero pagtingin ko ginagamit nya pala makikinig sana ako ng music sa cellphone ko.

"Ay wag na pala gina--" bigla akong pinamulahan ng mukha nung sya mismo ang naglagay ng earphone sa tenga ko. May sakit ba sa pagkakilig? Ilang beses na kong inaatake ng kilig. Kasi naman tong si Shawn eh! Simpleng bagay lang tong paglagay nya ng earphone sa tenga ko pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. Ang init na ng pisngi ko aircon naman tong bus naman nakatapat pa nga saakin yung aircon.

Share na naman kami sa earphone nya. Ang ganda pa ng kanta na pinapatugtog nya. Baby blue eyes. Kinikilig tuloy ako lalo. Nagpipigil ako ng ngiti dahil baka bigla nalang akong tumili dito bukod sa nakakahiya makikita pa ako ni Shawn na kiligin! 

" 🎧 Baby, baby blue eyes,
Stay with me by my side;
'Til the mornin', through the night.
Well baby, Stand here, holdin' my sides, Close your ba-- B-Bakit?" Napahinto ako sa pagkanta nung tignan ko si Shawn kasi nakatingin sya saakin. Nakakahiya baka naiinis sya sa boses ko baka napangitan sya baka nakaka turn off yung boses ko pero sabi naman nila Mama maganda naman yung boses ko.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon