Nakaupo ako sa kama habang nagbabasa pero habang nagbabasa ako katext ko rin si Zion. Tinext nya ako dahil sa nangyari kanina nagsosorry sya sa ginawa ng Ex girlfriend nya saakin tinanong nya ako kung anong nangyari kaya sinabi ko sakanya tutal ex nya naman yon at involve din sya kahit paano. Nakakastress si Sherrie at the same time naawa ako sakanya mahal nya pa yata si Zion eh pero si Zion parang wala nalang sakanya ngayon si Sherrie ni hindi nga sila nagpapansinan tuwing nagpapractice kami noon eh. Mahirap din yung ganoon yung alam mong nasa tabi tabi lang yung Ex mo mahirap nga naman magmove on kapag ganoon pero nasa tao rin kasi iyon kung gugustuhin mong magmove on magagawa mo yon kahit paunti unti. Teka nga bakit ko nga ba pinoproblema silang dalawa?
Kinabukasan dumiretso ako locker room para ilagay yung PE uniform ko sa loob at yung rubber shoes ko pagkatapos naglakad na ako papasok ng school building. Nauna ng pumasok sa classroom si Kevin kaya mag isa lang akong naglalakad papasok ng school building. Hahakbang palang ako sa hagdanan may humila na kaagad ng braso ko at alam ko na kaagad kung sino. Isang tao lang naman ang mahilig manghila basta basta.
"Kahit kailan talaga---Uy...Shawn." sabi ko binitawan nya na ang braso ko at inilagay ang dalawang kamay nya sa magkabilang bulsa nya. Nanlalaki ang mata ko sa gulat hindi ko inaasahan na si Shawn ang humawak sa braso ko. Anong ginagawa nya? Bakit nya ako hinawakan? Akala ko ba gusto nya akong lumayo bakot ganito ginagawa nya?
"Bakit?" tanong ko kay Shawn hindi kasi sya sumasagot nakatingin lang sya saakin.
"Nevermind." sabi ni Shawn at naglakad paalis. Naiwan akong naguguluhan sa ginagawa nya. Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad sya paalis. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa school building.
"Nam!" pagpasok ko palang sa classroom tinawag kaagad ako ni Jaila katabi nya si Kevin.
"Wala daw pasok bukas may meeting ang buong teachers. Gala tayo bukas?" tanong saakin ni Jaila. Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko at umupo rin sa tabi ni Jaila sa kanan kung saan ang upuan ni Shawn. Di pa naman sya pumapasok eh ewan ko kung saan sya nagpunta.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"Magswimming nalang tayo sa bahay nyo Jaila!" sabi ni Kevin. Tumango tango naman si Jaila naghigh five silang dalawa. Napailing nalang ako.
Dahil nga walang pasok at pumayag si Jaila na sa bahay nila magswimming ito kami ngayon nasa bahay nila nag iingay esta nagsasaya. Nakakahiya naman ang ingay ingay namin sa bahay nila nandito ang iba sa mga kaklase namin. Nakaupo lang ako sa bakal na upuan at nanunuod sa mga kaklase namin na lumalangoy.
"Nam tara na swimming na tayo." sabi ni Roe saakin. Umiling ako mamaya nalang ako magsiswimming maaga pa naman. Ang aga kayang nagyaya ng swimming ni Jaila 8 am kaya simula umaga nandito kami nakakahiya.
Tumayo ako at pumasok sa loob ng kusina tutulong nalang akong magluto kahit hindi ako marunong nakakahiya lang talaga kay Nanay Lidia iyong kasakasama ni Jaila dito sa bahay. Dahil wala iyong mga magulang ni Jaila sa bahay nila kaya si Nanay Lidia ang kasama ni Jaila may katandaan narin si Nanay dahil matagal na syang nagsisilbi sa pamilya ni Jaila. Pagpasok ko sa kusina nabigla ako ng makita si Shawn na naghihiwa ng karne habang kausap si Nanay Lidia nandito pala sya? Hindi ko inaasahan na sasama ngayon hindi naman kasi sya sumasama tuwing magyayaya ng gala si Jaila at kasama ang mga kaklase namin. Nakakabigla lang na nagpunta sya pero masaya rin ako dahil nandito sya ang ibig sabihin makakasama at makikita ko sya ng matagal! Yessss!"Oh Nam bakit? May kailangan ba sila sa labas?" tanong ni Nanay saakin kaya naglakad ako palapit sakanila. Nag angat din ng tingin si Shawn saakin pero ibinalik rin nya ang atensyon nya sa ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Dla nastolatkówSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)