Nakaupo ako sa bleachers at nanunuod ng basketball. PE ang klase namin ngayon at naglalaro ng basketball yung mga kaklase naming lalaki at kasama si Shawn."Bakit parang napapansin ko palaging si Shawn at Zion ang may hawak ng bola?" sabi ni Jaila saamin. Katabi ko silang dalawa ni Kevin at nanunuod rin sila ng laro.
"Napansin mo rin pala teh feel ko nga naglalamangan yung dalawa, eh magkateam naman sila." sabi ni Kevin habang nagpapaypay.
Tinignan ko si Shawn sinundan ko yung tingin nya, nakatingin sya kay Zion dahil nasakanya yung bola yung tingin ni Shawn masama. Alam ko may sama ng loob si Shawn kay Zion ramdam ko yon kagabi pa. Syempre sinong boyfriend naman ang matutuwa kung yung girlfriend nya sinabihan ng ibang lalaki ng I love you diba? Naiintindihan ko si Shawn pero worried ako na baka magkainitan sila ng ulo ni Zion mag away pa sila. Yung ugali pa naman ni Zion palaaway mainitin din ang ulo.
Tinignan ko si Zion naghahanao sya ng pwedeng pasahan ng bola nagtataas ng kamay yung isa naming kaklase na lalaki na kateam nila hinagis ni Zion yung bola akala ko ipapasa nya sa lalaking kaklase namin pero nagkamali ako. Binato nya yung bola kay Shawn natamaan sa likod si Shawn. Napatayo ako dahil mabilis na lumapit si Shawn kay Zion at kwinelyuhan. Natigil sila sa paglalaro at pinalibutan sila Zion at Shawn.
Tumayo na ako at lumapit sakanila kasunod ko sila Jaila at Kevin. Nakipagsiksikan ako sa mga kaklase namin para lang makalapit kila Shawn at Zion. Masama ang tingin nila sa isa't isa. Hinila ko si Shawn paalis doon baka mamaya mag away pa sila mahirap na nasa field pa naman kami maraming makakakita at baka may magsumbong maguguidance pa sya. Dinala ko si Shawn sa school garden malayo sakanila para makausap ko sya.
"Alam ko masama ang loob mo dahil sa narinig mo kahapon pero...mas okay kung pag uusapan diba?" nag aalangan na sabi ko sakanya. Mainit ulo ni Shawn nagdadahan dahan ako baka pati kami mag away ayoko naman ng ganon kabago bago lang namin away agad pero syempre hindi naman pwedeng walang away pero iniiwasan ko lang mangyari.
"Mahal ka ni Zion ipaparamdam nya raw yon kahit na boyfriend mo ko. Sinasabi ko to para aware ka sa iniisip ni Zion." sabi ni Shawn at naupo sa damuhan. Naupo rin ako sa tabi nya sinandal nya ang ulo nya sa puno at pumikit. Matutulog na naman sya.
"Kakausapin ko sya." sabi ko kay Shawn. Dumilat sya at tinignan ako."Wag na lalo lang syang maaattach sayo. Hayaan mo nalang sya." sabi ni Shawn. Medyo kumirot ang puso ko kaibigan ko rin si Zion pero boyfriend ko si Shawn. Ayokong mawalan ng kaibign pero ayoko naman na pag awayan namin to ni Shawn.
"Ang sabi nya saakin magmomove on sya." mahinang sabi ko.
"Hindi lahat ng sinasabi ng tao natutupad." sabi ni Shawn na nagpatahimik saakin. Pakiramdam ko nasasabi nya yan dahil sa magulang nya na wala sakanila.
Nakahalumbaba ako sa arm chair habang nagdradrawing ng biglang sumulpot sa pinto sila Jaila at Kevin.
"Anong sabi ni Shawn kanina?" tanong ni Jaila saakin. Wala si Shawn dito sa loob ng classroom kaya malayang nakakapagtanong si Jaila pumunta si Shawn sa lockeroom para magpalit ng uniform.
"Hayaan ko nalang daw si Zion." sabi ko habang nagdradrawing.
"Grabe yung lalaking yun ha? May gusto papa sayo kapa ganon syang umasta." sabi ni Jaila. Naalala ko tuloy yung mga ginawa nya noon yung palagi syang nag aalala saakin, yung palagi nya akong iniinis, yung nagagalit sya kapag may nangyayari saakin ngayon ko lang napansin lahat yon.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)