Chapter 27

2.6K 76 17
                                    

"Umusog ka nga." Inis na sabi ni Shawn saakin. Nakaupo kasi ako dito sa tabi nya.

"Paupo lang naman..." Sabi ko sakanya. Medyo maliit lang tong kama nya sakto lang para sakanya.

"May upuan naman dun bakit hindi ka dun umupo." Tinuro nya yung upuan sa study table nya.

"Paupo lang naman sandali." Sabi ko sakanya.

"Umuwi kana sainyo." Sabi nya habang nakakunot na ang noo. Kanina pa niya ako pinapauwi.

"Ayoko nga." Sabi ko sakanya umuulan pa. Kaya may dahilan ako para magstay ng matagal dito at isa pa hihintayin kong makuwi si Ate Shara may sakit pa tong si Shawn hindi lang halata dahil masungit.

"Hindi ako makapag pahinga ng maayos dahil nandito ka." Sabi nya ng hindi nakatingin saakin.

"Tahimik naman ako ah? Hindi naman kita ginugulo." Sabi ko sakanya. Inirapan nya ako.

"Ang sungit mo naman. Bakit hindi ka gumaya kay Jasper mabait at makulit." Sabi ko sakanya napatingin naman sya saakin at nagdikit ang kilay nya. Bakit ba ang init ng dugo nila kay Jasper?

"Tss. Hindi ako kagaya nyang pakielamero inaangkin kahit hindi naman sakanya." Sabi ni Shawn ako naman ang napakunot noo. Bakit ganun pakiramdam ko may meaning ang sinabi nya. Ito na naman ako nag iisip na naman ako tungkol sa mga sinasabi nila na hindi ko naman maintindihan. Hindi ko nalang pinansin baka humuhugot lines lang sya.

"May itatanong pala ako sayo?" Sabi ko sakanya.

"Nagtatanong ka na. Tss." Sabi ni Shawn inirapan na naman nya ako. Konti nalang mapapagkamalan ko ng bakla si Shawn ang hilig mang irap.

"Bakit ayaw mong makipag kaibigan sa mga kaklase natin?" Tanong ko sakanya. Never ko pa siyang nakitang kasama yung mga kaklase namin. Si Jaila lang ang sinasamahan nya sa room dahil magpinsan sila. Ewan ko ba kay Shawn gusto nyang mag isa lang sya.

"Kailangan ba may dahilan?" Sabi ni Shawn. Ang hilig nya talagang mambara.

"Sungit..." pabulong na sabi ko.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Nakangiting tanong ko sakanya. Napatingin naman sya saakin tapos nag iwas ng tingin.

"Ayoko..." nawala yung ngiti ko sa sinabi nya. Ayaw nya akong maging kaibigan.

"Bakit?"

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa babae." Napanganga naman ako sa sinabi nya. Hindi sya nakikipag kaibigan pero si Nathalie madalas nyang kasama?

"Bakit si Nathalie?"

"Pinsan ko siya." Sabi ni Shawn na ikinalaki ng mata ko at nagpanganga sa labi ko. Pinsan nya si Nathalie?! Sigurado ako kitang kita ni Shawn ang pagkagulat ko sa sinabi nya.

"Pinsan mo sya totoo? Bakit hindi alam ni Jaila na pinsan nyo pala sya?" Tanong ko sakanya. Kaya pala ang sabi ni Nathalie hindi daw sya magkakagusto kay Shawn kasi magpinsan sila! Ano ba yan. Naisipan ko pa ng kung ano ano si Nathalie tapos may boyfriend na siya.

"Hindi nya pinsan si Nathalie pinsan ko si Nathalie sa side ng Mama ko pinsan ko si Jaila kay papa. Tss. Bakit ba kita kinakausap." Sabi ni Shawn saakin. Nakatulala akong nakatingin sakanya. Bigla akong napangiti.

"Whaaaa! Nakakatuwa naman!" Napatakip naman sya sa tenga nung sumigaw ako. Kasi naman nakakatuwa magpinsan lang sila.

"Tss. Alis na nga gusto kong matulog." Sabi nya.

"Oo na mahal kong Shawn." Sabi ko tatayo na sana ako pero nagsalita sya.

"Anong sabi mo?" Tanong nya saakin. Bakit parang nagulat sya sa sinabi ko?

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon