Chapter 8

3.1K 97 26
                                    


"Nam gising na anak tanghali na bumangon ka na dyan," napadilat ako ng mata dahil sa sinag ng araw at sa tawag ni Mama.

"Good morning Ma." sabi ko at bumangon.

Nag inat inat muna ako bago bumaba sa kama. Ilang oras pa lang ang tulog ko! Ala una na ng madaling araw ako natulog dahil nanuod ako ng korean drama kagabi at tinapos ang episode!

Si Mama naman tinali ang kurtina at binuksan ang bintana ng kwarto namin ni Kuya.

"Bumaba ka na kakain na tayo," sabi ni Mama.

Tinignan ko ang orasan alas nuebe na ng umaga pero okay lang sabado naman ngayon wala kaming pasok.

"Umalis na po si Kuya?" tanong ko kay Mama habang nagliligpit ng pinag higaan ko.

"Pumasok na. Halika na kumain na tayo," sabi ni Mama. Naglakad na sya palabas ng pinto.

"Maghihilamos lang po ako," sabi ko.

Tumayo na ako at tumakbo palabas ng kwarto para magpunta sa CR.

"Ma magpapaload lang po ako," paalam ko kay Mama na nasa kusina, tumango naman si Mama.

Kumuha muna ako ng payong bago ako lumabasa.

Habang naglalakad ako nakita ko si Kevin palabas ng bahay nila.

"Nam!" tawag nya sakin nang nakita nya ako.

"Kevin saan ka pupunta?" tanong ko sakanya.

Bihis na bihis sya.

"Sa bahay nila Jaila gagawa na kaming project ngayon. Kayo ba ni fafa Shawn kailan?" tanong ni Kevin.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Hindi ko nga alam kung kailan itatanong ko palang," sabi ko.

Napailing nalang sya.

"Sige Nam alis na ko!" sabi ni Kevin. Tinignan pa nya yung relo nyang pink bago tumakbo paalis.

Napailing nalang ako late siguro siya sa usapan nila ni Jaila.

"Ingat!" sigaw ko sakanya at nag okay sign lang siya.

Naglakad na ulit ako. Malapit lang naman yung tindahan dito at nagpaload.

Hinanap ko kaagad ang number ni Jaila. Itatanong ko ang number ni Shawn. Ilang ring lang sumagot na siya.

"Hello jaila?" naglakad na ulit ako pabalik sa bahay namin.

"Oh Nam napatawag ka?"

Paano ko ba sasabihin na hihingin ko yung number ni Shawn? Nakakahiya kasi.

"Ah ano kasi ano hindi ko alam yung num---" hibdj ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita agad si Jaila.

"Number ni Shawn?"

Paano nya nalaman na number ni Shawn? Ganun ba ako kahalata?

"Oo."

"Uso ba hingian ng number?" tanong ni Jaila saakin.

"Ha?"

"Nothing, isesend ko nalang sayo," sabi ni Jaila mula sa linya at tumatawa pa bago patayin ang tawag.


Pagpasok ko sa bahay abala si Mama may sala at may kausap sa cellphone.

"Nam halika rito gusto kang makausap ng Papa mo," sabi ni Mama saakin.

Lumapit naman ako agad kay Mama.Inabot sakin ni Mama ang cellphone nya.

"Hello pa?"

"Kamusta na ang baby girl ko?"

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon