"Wala pang bisita?" Tanong ko kay Jaila.Nasa loob kami ng bahay nila pero wala pang tao. Nagpaparty daw ang Mommy ni Jaila dahil kararating lang nya dito sa pilipinas galing ibang bansa after 5 months. Doon kasi nagtatrabaho ang Mommy ni Jaila. Isang sikat na fashion designer ang Mama nya.
Nakaayos ang buong bahay nila Jaila. May mga balloons na nagkalat sa loob ng bahay nila at may mahabang buffet table na nakalagay sa sala nila. May disco lights na nakasabit sa mataas na kisama ng bahay nila. Parang bar itong bahay nila Jaila.
Nakasuot ako ng shirt dress na puti tapos converse na mint green ang kulay iyong binili ni Jaila saamin. Pare pareho kami nila Kevin ng suot na sapatos. Si Kevin naka polo shirt na kulay baby pink at khaki shorts with nerdy glass.
"Wala pa maaga ko lang kayong pinapunta. Mamaya pang 6 Pmsila darating." Sabi ni Jaila saamin. 4 Pm palang dalawang oras kaming maaga bago magsimula iyong party ng Mommy ni Jaila. Mukhang marami silang bisita iyong mga kaklase namin at iyong bisita ng Mama ni Jaila.
"Tara dun tayo sa pool area." Sabi ni Jaila saamin. Naglakad sya palabas sa isang pinto kaya sumunod kami. Paglabas namin sa sliding door bumungad saamin iyong swimming pool nila. Pool party rin pala itong mangyayari ngayong gabi sabagay maraming bisita kaya buong bahay nila ang sinet up nila para sa paparty ng Mama ni Jaila.
"Ano bang trip to Jaila?"
Nagulat ako ng makita si Shawn na nakaupo sa swming chair malapit sa kubo. Naka denim polo shirt sya na long sleeves na nakatupi hanggang siko, khaki shorts na beige ang kulay at vans na navy blue ang kulay. Uso talaga sa lalaki ang ganoong porma. Mas gwapo nyang tignan kapag ganyan ang suot nya. Parang gusto ko tuloy magpapicture sakanya kaya lang seryoso sya ngayon mukhang nasa sungit mode sya.
"Para makapagbonding naman kayo nila Nam at Kevin kaya maaga kitang pinapunta." Sabi ni Jaila. Nagulat kaming dalawa ni Kevin at nagkatingin kaming dalawa bago tumingin kay Jaila. Anong pumasok sa isip ni Jaila at bigla bigla nalang nyang sasabihin yun kay Shawn.
Oo alam ko gusto kong maging kaibigan si Shawn pero ayoko naman ng pilit na pagkakaibigan. Tatanggapin ko nalang na kaklase lang ang tingin nya saakin. Hindi na dapat ako maghanggad na mas mataas pa dun dahil alam ko naman na sa una palang hindi naman nya talaga ako mapapansin. Nag uusap kami kasi kailangan dahil magkapartner kami sa project sa math.
"Aalis muna ako babalik nalang ako mamaya." Sabi ni Shawn. Tumayo sya sa pagkakaupo at dinaanan nya kami ni Kevin.
"Teka lang shawn! Wag ka ng umalis. Saan ka ba pupunta?" Ssabi ni Jaila at hinila pabalik ni si Shawn. Inis na humarap si Shawn sa pinsan nya. Mukhang bad mood si Shawn ngayon.
"May usapan kami ni Nathalie ngayon babalik nalang ako mamaya nagpaalam naman na ako kay Tita. Ang kulit mo talaga." Sabi ni Shawn. Para akong binaril sa puso sa sinabi nya ewan ko ba pero bigla akong nasaktan sa sinabi nya hindi naman dapat ako masaktan dahil crush lang to.
"Girlfriend mo ba yun?" Tanong ni Jaila sakanya tahimik lang kami ni Kevin na nakatingin sa magpinsan.
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Alis na ko." Sabi ni Shawn at naglakad na palabas ng bahay. Mukhang hindi na sya makapag hintay na makita yung Nathalie nya.
Napabuntong hininga nalang ako. Ni hindi nya ako pinansin o kaya naman tinignan ngayon. Sabi ko na nga va temporary lang iyong pakikipag usap saakin eh. Baka ginawa lang nya iyon dahil naguilty sya sa sinabi ko sakanya sa library kaya bumawi lang sya. Hindi na naman sya namamansin.
BINABASA MO ANG
Unfreeze and Chase
Teen FictionSIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE MENDEZ (NAM)