Chapter 40

2.5K 81 9
                                    


Sinipa ni Kevin yung papa ko sa ilalim ng lamesa, sinamaan ko sya ng tingin. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch. Ang akward dito sa lamesa namin sobrang awkward. Kaharap ko si Kevin katabi nya maman si Jaila at Jasper. Ako ang katabi syempre si Shawn tapos sa tabi ni Shawn...si Zion. Ang awkward diba? Nasa iisang lamesa na naman kami. Nag uusap kaming tatlo nila Jaila at Kevin sa math. Napapaface palm nalang ako. Ang tahimik ng lamesa namin tanging mga tunog lang ng kutsara ang maririnig dito.

"Ehem. Ang tahimik masyado hindi ako sanay." sabi ni Jasper. Sya na ang unang bumasag sa katahimikan. Salamat naman at nagsalita sya

"Me too." sabi ni Jaila.

"Akward." sabi ni Kevin. Pinandilatan ko sya ng mata. Naloloka na nga ako kila Zion at Shawn eh dahil magkatabi sila.

"Nam, uuwi kana ba pagkatapos ng klase?" tanong saakin ni Zion saakin tumingin ako sakanya medyo dinungaw ko pa sya dahil nasa gitna namin si Shawn.

"Uuwi na sya." sabi ni Shawn. Grabe talaga yung kabog ng dibdib ko magkasama silang dalawa sa iisang lamesa tapos magkatabi pa sila.

"Hindi ko alam na binago na pala ang pangalan mo." sabi ni Zion kay Shawn.

"Oh! Tama na baka mag away pa kayo." sabi ko sakanilang dalawa. Hangga't maari pinipigilan ko na lumaban si Shawn kay Zion baka kasi bigla nalang magsuntukan tong dalawa.

"Chill guys ang iinit...ng ulo. Ang sama naman ng mga tingin nyo." sabi ni Jasper kila Zion at Shawn.

Hinawakan ni Shawn ang kamay ko saka sya tumayo, tumayo narin ako. Mas okay na lumayo kami kay Zion feel ko kasi tuwing magkakasama silang dalawa parang lagi silang mag aaway.

Naglalakad kami ni Shawn habang magkahawak ang kamay at sakto pa makakasalubong namin si Hayley. Huminto sya sa harap namin kaya huminto rin kami.

"Hi Shawn." sabi ni Hayley kay Shawn. Ngiting ngiti syang nakatingin kay Shawn.Nakatingin lang sya kay Shawn hindi sya tumitingin saakin.

Naghihintay ako na sumagot si Shawn at ganoon din si Hayley pero hindi sya sumagot. Hinila lang ako ni Shawn palakad at iniwan si Hayley na nakatayo doon. Nilingon ko sya masama ang tingin nya sa kamay naming dalawa. Ang dami ko naman kaagaw kay Shawn.

"Kukuhanin ko lang sa lockeroom yung book ko sa math." sabi ko kay Shawn pagkatapos ng unang subject namin ngayon hapon. Maaga kasing nagdismiss ang teacher namin kaya may 15 minutes pa kaming natitira para sa susunod na klase namin.

"Samahan na kita." sabi ni Shawn sinarado nya yung librong binabasa nya.

"Wag na babalik din naman ako kaagad." sabi ko. Tinignan nya muna ako ng matagal bago sya tumango.

Tumayo na ako at lumabas ng classroom. Habang naglalakad ako may umakbay saakin tinanggal ko kaagad iyon ng makitang si Zion yon.

"Tss. Naging boyfriend mo lang si Shawn..." sabi ni Zion. Sumabay sya saakin sa paglalakad pati sa pagbaba ng hagdanan.

"Ayoko lang talagang inaakbayan no." sabi ko sakanya. Ewan ko pero hindi ako naiilang kay Ziom kahit alam kong may nararamdaman sya para saakin. Ganito siguro talaga kapag ang tingin mo sa isang tao ay kaibigan lang.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zion.

"Sa lockeroom."

"Bakit hindi mo kasama si Shawn?"

"May kukuhanin lang naman ako babalik din ako kaagad. Ikaw saan ka pupunta?" tanong ko kay Zion. Nakapasok na kami sa lockeroom. Nilabas ko sa wallet ko iyong susi at binuksan yung locker ko.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon