Chapter 15

2.9K 74 0
                                    

Pagpasok ko sa classroom kanina. Binati ko ng good morning si Shawn pero hindi nya ako pinapansin. Pinagtinginan tuloy ako ng mga kaklase ko. Napahiya kasi ako dahil hindi ako pinansin ni Shawn nasa harap pa naman nya ako kanina. Dapat hindi na ako manibago dahil ganoon naman talaga sya saakin noon pa pero kasi simula noong naging magkapartner kami kinakausap naman na nya ako pero bakit ngayon hindina namana. Masyado yata akong nag assume kaya ganito nakakadisappoint na hindi na naman nya ako pinapansin pero ayos lang iyon malakas parin ang loob ko. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sobrang pinag isipan ko ng mabuti iyong gagawin ko mamaya.

"Ang saya mo yata ngayon?" Tanong saakin ni Jaila. Nakangiti ako habang naglalakad. Pagkagising ko kaninang umaga mataas ang energy ko hindi ko alam kung bakit basta masaya lang ako.

"Wala lang. Pupunta muna ako sa locker room ko. Kukuhanin ko iyong libro ko." Sabi ko sakanila hindi parin nawawala iyong ngiti ko.

"Okay. Puntahan mo nalang kami sa canteen ni Kevin. Let's go girl." Sabi ni Jaila kumapit naman sya sa braso ni Kevin at sabay silang kumaway saakin. Napailing nalang ako sakanilang dalawa pati ba naman pagkaway ng kamay sabay pa sila.

Naglakad na ako papunta sa locker room pagpasok ko maraming tao dahil recess time. Pagtapat ko sa locker ko nagtaka ako dahil may isang pulang rosas na nakasabit sa may bukasan ng locker ko. Kinuha ko iyon at binasa ang papel na nakalagay sa may rose. Inayos ko ang salamin ko para mabasa ko ang nakalagay.

Note: Falling in love with you is the second best thing in the world, Because finding you was the first.

Mas lalo akong napakunot noo. Sino naman ang naglagay nito? Baka naman hindi para saakin to baka naman nagkamali lang ng lagay baka sa kaliwang locker dapat kasi yung kanang locker kay Shawn yun. Baka naman sakanya yun? Wala kasing nakalagay na V. Dahil kung may V yun kay Jasper galing yun. Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ko ang locker ko. Kinuha ko na ang libro ko. Sinarado ko na ang locker ko at binalik sa dating pwesto ang red rose baka sakaling kuhanin nung naglagay at ibigay sa tama nyang pagbibigyan. Nilagay ko na sa bag ko ang libro at lumabas na ng locker room.

"Nam!" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon.

"Bakit Jasper?" Tanong ko sakanya. Lumapit naman sya saakin at umakbay tinangal ko naman ang pagkakaakbay nya saakin. Hindi ako sanay na inaakbayan ng lalaki. Hindi naman sya nagreact sanay na sya saakin na ayaw kong nagpapakabay.

"Sa canteen ka ba pupunta? Sasabay ako." Sabi ni Jasper. Tumango naman ako at sabay na kaming naglakad papasok ng canteen.

Pagpasok namin nakita ko kaagad sila Jaila at Kevin. Lumapit kami ni Jasper sa pwesto nila. Napatingin naman silang dalawa saamin at sabay na nagkunot ng noo. Hay nako ito na naman sila ayaw talaga nila na kasama ko si Jasper.

"Anong ginagawa mo ditey?" Nakataas na kilay na tanong ni Kevin napailing nalang ako.

"Malamang kakain wala naman sinabing bawal akong kumain dito diba?" Sabi ni Jasper. Inirapan naman siya nila Jaila at Kevin.

"Bibili lang ako..." Paalam ko sakanila. Gutom na ako.

"Ako din." Sabi ni Jasper hinayaan ko nalang syang sumunod.

Bumili lang ako ng burger at C2 at ganun din si Jasper.

"Alam mo para kang aso sunod ka ng sunod kay Nam." Inis na sabi ni Jaila pagkaupo namin ni Jasper.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis sila kapag kasama ko si Jasper eh ang mabait naman si Jasper.

"Okay lang basta kasama ko si Nam." Sabi ni Jasper kaya napatingin ako sakanya kinindatan naman nya ako. Hay nako pinagtitripan na naman ako nito hindi ako naniniwalang may crush to saakin trip lang ako nito.

Unfreeze and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon