Nakaramdam ako ng antok kaya't kinuha ko ang isang unan at niyakap. Hindi ko na namalayan ang nangyari at nakatulog na ako.
Nagising nalang ako na nakasandal na ako sa balikat ni Nicolai, maging siya ay tulog din. Napatingin ako sa TV, tapos na ang movie na pinapanood namin.
Hindi ko naramdaman kanina na nakatulog na pala ako. Napatingin ako sa cellphone ko dahil may tatlong missed calls mula kay Nhicole.
Kaagad akong napabangon at tinawagan siya... Ilang segundo lang ay sinagot niya rin ito kaagad.
"Hell-...." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya.
"Bakla ka! Anong oras na, nasaan na ba kayo?"
Kaagad na napatingin ako sa orasan, nanlaki ang mata ko, 6:30 na. Kaninang alas-sais pa dapat kami nandoon. Ano ba itong ginagawa namin.
"Oo, sige papunta na." Mabilis kong sagot at pinatay ang tawag.
Nagdadalawang isip pa ako kung gigisingin ko ba si Nicolai. Baka magalit na samin sila kaya't napipilitang ginising ko siya.
"Hmm.. Nicolai." Tinapik ko siya nang mahina... "Nicolai, huy..."
Nakailang tawag pa ako bago siya magising... Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata.
"Hmm.."Bakas ang antok sa boses niya.
"Six thirty na." At lagot na tayo sa kanila. Natigilan siya sandali ngunit ilang sandali ay parang walang nangyari.
Parang hindi man lang siya nagulat na late na kami.
"Let's go." Nakatungangang nakatingin ako sakanya. Wow, parang nothing happened.
Kaagad din kaming nakarating sa bahay ni Clarity. Lahat sila ay nasa garden at kaming dalawa na lamang ang hinihintay.
Isa-isa silang tumingin sa amin ng makitang papasok kami.
"Good Evening." Sarkastikong bati ni Nhicole.
"Sorry. Nakatulog kasi kami." Nakita ko ang biglang paglaki ng mata ni Clarity, Nhicole at Athena. Natauhan kaagad ako sa sinabi ko. Patay.
"What? Nakatulog kayo?" Mapanuring tanong ni Clarity.
"Oo, pumunta kasi siya sa condo ko." Mas lalong nanlaki ang mata nilang tatlo at nagkatinginan pa.
"Sa condo mo?" Tanong ni Nhicole at tumaas pa ang kilay.
"Oo-..." Naputol ang sasabihin ko.
"Anong ginawa niyo ha?" Malakas na tanong ni Nhicole.
"Ha? Anong ginawa? Pumunta siya sa condo kasi wala raw siyang magawa sa condo niya. Same building kasi kami ng condo. Nanood kami ng movie at hindi na namin namalayan na nakatulog kami parehas." Mahabang paliwanag ko.
"Iyon naman pala, nanood lang ng movie." Athena said in relief. "Ay wait, nanood lang kayo? Walang kiss?"
"Ganyan yan, NBSB kasi. Mahina pa ang manok natin." Komento ni Nhicole.
"Huh?" Natamemeng nakatingin ako sa kanila.
"Sayang, kahit abutin kayo ng alas dyes ayos lang samin. Hihintayin namin kayo." Saad ni Clarity.
"Ha? Ewan ko sainyo. Ang dumi ng mga utak niyo. Nanood nga lang kami."
Hanggang sa byahe ay kinukulit nila akong tatlo. Samantalang si Nicolai ay parang hindi man lang naapektuhan sa naririnig.
Magkakatabi kaming apat, habang si Kuya Kian ang nagda-drive at nasa passenger seat naman si Bruce, kaya't si Ibraim ang katabi ni Nicolai.
Halatang kinukulit din siya ni Ibraim dahil nakikita ko pa ang bahagyang pagtawa nito. Si Nicolai naman ay parang walang pakielam.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...