Nakakahiya, nakayukong lumabas ako ng elevator dahil sa hiya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kanina.
Nakarating rin ako kaagad sa malapit na department store, ilang sandali pa ay nakasunod din si Athena. Katulad ng dapat gawin ay binili namin ang mga pinapabili nila.
Habang nasa counter ay nagtatanong siya tungkol sa kung ano-ano.
"Ikaw nalang ang walang asawa sa inyong tatlo." Biglaang saad niya.
"Oo, wala pa sa plano ko e."
"May kilala akong doctor dito. Kung gusto mo ay ipapakilala kita sa kanya."
Kaagaran ang naging pag-iling ko. "Naku! Huwag na, wala pa talaga sa plano ko ang tungkol diyan."
Wala ba talaga sa plano o may hinihintay ka lang?
"Sayang naman, gwapo pa naman si Lai. Katulad mo ay wala ring plano tungkol sa paga-asawa. Tingin ko'y bagay kayong dalawa."
Hanggang sa makabalik ay kinukulit niya ako tungkol dun. Mabuti nalang at tumigil na siya nang ibalitang nakapanganak na si Clarity.
"Dr. Sanchez, hanap po kayo ni Dr. Nico." Saad ng isang Nurse.
"You mean? Lai? Nandito siya?" Ang matinis na boses ni Athena na naman. Nagulat ang Nurse dahil sa inasta niya.
"Athena nakakahiya ka, hindi ko talaga alam paano ka namin naging pinsan ni Bruce e."
"Heh. Isip bata." Saad ni Athena at inirapan si Braim.
Kung saan-saan nalang sila nag-aaway.
"Nurse huwag niyo nalang pong pansinin iyang dalawa, hindi po namin kasama yan." Seryosong saad ni Bruce.
Napatingin ako sa kisame, natawa ako bigla sa sinabi ni Bruce. Parang ang ganda ng kisame ngayon.
Narinig pa namin ang ilang reklamo ni Athena at Braim.
Ilang araw din ang nakalipas ay nakalabas na ng hospital si Clarity. Maayos siyang nakapanganak, at mayroon na naman akong bagong inaanak, lalaki rin ang anak niya kagaya ni Nhicole. Sa ngayon ay hindi pa namin alam ang pangalan dahil ayaw pang ipaalam ni Clarity, surprise daw iyon.
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw, bumalik sa normal ang lahat. Focus na naman sa trabaho.
Lumipas ang ilang araw, ilang buwan. Limang buwan na pala ang anak ni Clarity. Galing sila dito at nagbigay ng invitation. Blair Spruce ang pangalan ng anak nila.
"Ingat kayo ah." Saad ko habang hinahatid sila sa pinto. Pupunta rin kasi sila kala Nhicole dahil ninong si Ibraim. Dalawang ninong at dalawang ninang lang ang kinuha nila. Ako, si Athena, si Ibraim at hindi ko kilala yung isa, ang sabi ay kababata raw nila iyon na sa ibang bansa nag-aral.
Habang tinitignan kong alalayan ni Bruce si Clarity habang papasok ng kotse nila at karga nito si Blair ay napapatanong nalang ako sa sarili ko.
Lahat sila ay may kanya-kanya ng asawa't anak. Minsan sinisisi ko rin ang sarili ko, baka maging matandang dalaga ako.
Biglang sumagi sa isip ko si Ash, he set the standard so high. Hanggang ngayon tuloy ay kabilang pa rin ako sa tinatawag nilang NBSB.
Lord, kailan ba darating ang para sakin. Kung ayaw niyang pumunta rito ay ako na ang pupunta sa kanya. Saad ko sa isip habang nakatingin sa langit. Ganito na ba ako sa desperadang hindi tumanda ng mag-isa. Ayokong maging matandang dalaga. Sayang ang genes namin.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
Storie d'amoreThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...