Chapter 34

5 3 4
                                    

"Architect Michelle Barlowe, can I court you?"

"Teka, Nicolai. Ikaw ba si Ash?" Nasabi ko rin ang kanina pang tanong ng isip ko. Ngumiti lamang siya, "Pero wala namang kahit isang Ash na word sa pangalan mo?" Puno ng pagtataka kong saad.

"I am Surgeon Ken Nash Nicolai Santos."

Day by day he proved himself. He's consistent. Sa loob ng halos taon niyang panliligaw ay binigyan niya ako ng assurance, he made sure that everything is okay. He's always at my side. Hindi na siya nawala.

Si Marpy ay tuluyan ng nakulong. Naaawa ako dahil sa kalagayan niya. Sinasaktan siya ng mga magulang niya kapag hindi niya sinusunod ang gusto nila. Kaya siguro ganoon na lamang siya.

Sinabi na sa akin ang lahat ni Nicolai. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat.

"Kanina ka ba naghihintay?" Si Nicolai.

"No, kakalabas ko lang rin." Inalalayan niya ako patungo sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, pagkasakay ko'y umikot siya upang pumunta sa driver seat.

"How's your day?" Tanong nito sa akin.

"Ayos lang, nag-iisip ako ng unique na design." Iyon kasi ang gusto ng client namin.

"Hmm. As much as I wanted to help, kaso hindi ko forte iyan eh." Napakamot siya ng batok. "You can do it, ikaw pa." Lumipat siya sa akin at niyakap ako.

"Ikaw? Anong nangyari?" 18 hours kasi ang surgery na ginaya niya.

"Hmm, katulad lang ng dati."

"Tara na, para makapagpahinga ka na." Ngumiti siya sa akin at tumango.

Inilalayan niya ulit ako makababa ng sasakyan. Sumakay kami ng elevator, nagulat ako dahil sa floor kung nasaan ang condo ko siya bumaba.

"Pahinga ka na." Saad ko.

"Oo nga, magpapahinga nga ako." Nauna pa siyang naglakad sa akin.

"Eh bakit nandito ka?"

"Papahinga ako sayo."

Pumasok kami sa condo ko, kaagad siyang umupo sa coach at binuksan ang TV, nangyari na ito dati.

"Manonood ka?" Tanong ko.

"Maybe?" Hindi siguradong sagot niya.

Pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko'y isang bouquet ng bulaklak ang sumalubong sa akin. Sa likod noon ay si Nicolai.

"For you." Saad nito at iniaabot sa akin.

Naguguluhang tinanggap ko iyon, "Anong meron?"

"Nothing. Gusto ko lang bigyan ka, bawal ba?"

"Hmm, Nicolai. Halos mag-iisang taon ka ng nanliligaw. Tigil ka na kaya?" Kinakabahang saad ko, nalukot ang mukha.

"Why? May nagawa ba akong mali? Tell me, Michelle."

"No. Wala. Wala kang nagawang mali." Ngumiti ako sa kanya. "Hmm, bakit ka pa manliligaw kung boyfriend na kita?" Nahihiyang wika ko.

Natigilan siya at namula, "W..Wait, what? Ulitin mo nga iyong sinabi mo?"

"Wala. Ayoko ng ulitin. Bahala ka diyan."

"Michelle." Nagbabantang saad niya.

"I said, bakit ka pa manliligaw kung boyfriend na kita."

"You mean? Tayo na? As in sinasagot mo na ko?" Hindi makapaniwalang saad niya. Tumango ako. Bago pa ako magsalita ay niyakap niya na ako.

"Thank you. Thank you, Michelle." Naiiyak na wika niya.

Yinakap ko siya pabalik, "Bakit ka naiyak? Hindi ka ba masaya?"

"Masaya, sobrang saya ko Michelle."

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Kahit gaano man katagal o kahirap ang pagsubok na daraanan ko, kung si Nicolai naman ang nasa dulo nito ay handa akong harapin ang lahat.

Totoo nga ang sinabi nila, lahat ng bagay ay hindi dapat minamadali, may tamang oras para sa lahat patuto lang tayong mahintay at kapag nandiyan na ay gawin natin ang lahat para makuha natin ito.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now