Chapter 17

8 3 0
                                    

"Don't jump to conclusions Michelle." Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Athena, nakakatakot siyang tignan, "I know Nicolai, may rason ang lahat ng ito. Wait for the right time."

"But Athena, don't make her assume things, ikakasal na si Nicolai. What right time pa ba ang hihintayin niya?" Tumaas na ang boses ni Clarity

"Yeah, you're right Clarity. But I know Nicolai so well, hindi niya basta-basta gagawin ito." Pagdedepensa niya.

"Ano pa bang kailangan naming makita kay Nicolai? Hihintayin pa ba nating masaksihan mismo ni Michelle na ikasal sa harap niya si Nicolai? Don't say anything that make her assume."

"You're still you Clarity. Inuuna mo na naman ang emosyon mo."

"At ganyan ka pa rin Athena, ang hilig mo pa ring paglaruan ang isang tao."

"I don't know anything okay?"

Nararamdaman ko ang namumuong tensyon sa dalawang ito, hindi ako makasingit dahil matatalas ang mga tingin na binibigay nila sa isa't-isa, baka sa akin pa nila maibuntog ang galit nila.

"You don't know anything pala e. Huwag mo ng ipagtanggol si Nicolai."

"Hindi ko siya pinagtatanggol, okay? Sinasabi ko lang na hindi niya basta-basta gagawin iyon."

"Hindi basta-basta gagawin ang? Ang umamin kay Michelle at kinabukasan ay engaged na siya? You making me laugh Athena. Is this a joke to you?"

"This is not a joke to me Clarity."

Hindi ba sila titigil? Sa harap ko pa sila nag-away, kung mag-usap sila ay parang wala ako rito.

"Then take it seriously Athena."

"Do I look like joking to you? I'm really sorry for what I did to you before. This is not connected to that, be open minded Clarity."

Bago pa umabot sa kung saan man ang pinag-uusapan nila ay sumingit na ako, "Enough. Naandito pa ako oh? Nag-away pa talaga kayo sa harap ko. Magiging okay din ako, hindi man sa ngayon pero baka sa susunod. Hindi ako pupunta sa engagement party para sa ikakatahimik niyo at ikakatahimik ko, ayokong saktan ang sarili ko at nasa tamang pag-iisip pa ako para hindi pumunta dun, okay? Huwag na kayong mag-away."

Parehas silang natigilan....

"Uuwi na muna ako for now, magpapahinga lang ako." Tumayo na ako at niyakap silang dalawa. 

This situation really getting worse, and worse everyday. I don't know what to do anymore.

Kinabukasan ay walang gana akong bumangon. Mabuti nalang at dalawang araw ang sick leave ko.

Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko, hindi pa nga pala ako kumakain simula kahapon.

Bumangon ako naghanap ng makakain, kumuha lang ako ng dalawang pirasong tasty bread, nilagyan ko ito ng peanut butter.

Umupo ako sa sofa, kung saan kami umupo noong nanood kami at nakatulog.

Nawalan ako ng gana kumain bigla, nakakadalawang kagat palang ako sa tinapay.

Tumayo ako at bumalik sa kusina, inilagay ko sa ref ang tinapay na hindi ko naubos. Uminom ako sandali at bumalik sa sofa.

Sumandal ako at pumikit. Go back to yourself Michelle. You're not like this. Strong independent woman ako, bakit nagiging miserable ako dahil sa isang taong hindi naman naging akin?

Napahawak ako sa pisngi ko, umiiyak ba ako? Bakit basa ang pisngi ko.

Nagmulat ako pero nanatili pa rin ang ulo ko na nakasandal sa sofa. Ramdam ko ang namamasang mata ko.

"Ano bang nangyayari sayo Michelle?" Tanong ko sa sarili, "Hindi ka naman ganito dati. You're better than this."

Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko...

"Better than this."

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now