Halos kalahating oras na simula ng umalis ako doon. Hindi ako pumunta sa loob ng villa, hindi ko kasi alam kung saan ang kwarto. Hindi naman kami pumasok doon kanina at dumiretso kami kaagad sa pag-aayos ng mga pagkain.
Kaya heto ako ngayon, mag-isa sa gilid ng dalampasigan. Hindi ko alam, kung bakit ganon na lamang ang ginawa ko. Nahihiya naman akong bumalik doon pagkatapos ng nangyari.
Nakakahiya, tumabi lang naman siya sakin. Bakit ba binig-deal ko pa yun, mas lalong lumala lang.
Lalong gumulo ang utak ko. Naupo ako sa isang malaking sanga. Kinuha ko ang stick at nagsimulang magsulat sa buhangin.
Nico-
Napatigil ako ng makita ang isinulat ko, kaagad ko itong binura. What the-
"You're here." Isang baritong boses. Napapikit ako. Bakit siya pa ang nakahanap sa akin?
Walang sabi siyang umupo sa tabi ko, ilang minutong katahimikan ang bumalot samin ng basagin niya ito,
"Look, I'm sorry. I just want to sit beside you." Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.
"Yeah." Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya.
"They're all worried about you. Bigla kang umalis."
"I'm sorry. Hindi ko lang napigilan.." Tinignan ko siya, "Naguguluhan lang ako sayo."
"I'm sorry. Did I made you think? Did I gave you mixed signals?"
Tumango ako.
"I like you, Michelle." Tumingin siya nang diretso sakin, "Sorry. It's so sudden. I don't know when or how."
"Uh- yeah?"
"I-..." Naputol ang sasabihin niya dahil biglang nag ring ang cellphone niya, "Sorry, wait a minute." Tumango ako kaya't tumayo siya at bahagyang lumayo.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang may kausap siya sa cellphone, kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Kahit ganon ay kita pa rin ang kagwapuhan sa mukha niya.
Bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya't napaayos ako ng upo. Sumenyas siya na kailangan niyang umalis kaya't tumango ako.
"Saan ka ba galing?" Nag-aalalang tanong sakin ni Nhicole.
"Diyan lang sa tabi-tabi."
"Sira ka talaga." Hinampas niya ako, "Alam mo bang halos mabaliw na kami lahat, lalo na si Nicolai."
"Sorry, hinanap ko lang sarili ko."
"Hindi mo tuloy na-enjoy ang outing natin."
Oo ng pala, uuwi na rin kami kaagad. Bakit nag-inarte pa ako.
"Si Nicolai pala?"
"Nagmamadaling umuwi. May emergency ata."
Tumango ako, "Oo nga pala, doctor nga pala siya."
"Oh siya, tara na sa loob. Magpahinga ka bago umuwi. Magdamag kang nasa labas."
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Nicolai.
I like you, Michelle
Hanggang sa makauwi ay siya ang laman ng isip ko.
Ilang araw ang lumipas ay wala akong naging balita tungkol kay Nicolai, marahil ay naging busy talaga siya. Balita ko'y sobrang busy talaga niya, napapaisip tuloy ako kung paano siya nakasama sa outing.
"Okay ka lang ba? Noong isang araw ka pa parang may iniisip." Tanong ng katrabaho kong si Marpy.
"Ayos lang, na-stress lang ako." Napatingin siya sa desk ko.
"Hindi mo pa rin tapos?" Pagtukoy niya sa draft ko. Sa isang linggo pa naman ito kailangan kaya hindi ko minamadali.
"Oo, sa isang linggo pa naman kailangan."
"Sounds new. Dati ay madaling-madali ka makatapos ng isang draft kahit next month pa ang due."
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...