Chapter 30

6 2 2
                                    

[Nicolai]

Nag-ring ang cellphone ni Clarity kaya't lahat kami ay napatingin sa kanya. Naiwan kami rito sa venue, kagaya ng dati.

"Si Michelle." Ni-loudspeaker niya iyon upang marinig namin.

Halos mapamura ako ng marinig ko ang lasing niyang boses. Kaagad akong tumayo kaya't napatingin sila sa akin.

"I will go to her."

Hindi ako nakarinig ng pag-angal mula sa kanila. Sinend sa akin ni Clarity ang location.

"Please, huwag niyong gawin ang nangyari sa amin ni Ibraim." Seryosong saad ni Nhicole, "Walang taguan ng anak na mangyayari."

"Kayo lang naman ang ganoon, idadamay mo pa sila." Sagot ni Clarity.

Nagpaalam na ako sa kanila at umalis. Mabilis akong nakarating at kaagad siyang hinanap, nasa counter siya at tuloy pa rin sa pag-inom. Umupo ako sa tabi niya ngunit hindi niya ako pinansin. Hinayaan ko lang siyang mag-inom hanggang sa mawalan na siya ng malay.

Binuhat ko siya at dinala sa kotse. Sa condo ko siya dinala dahil hindi ko alam ang password ng condo niya. I have no bad intentions to her. I just want to make sure that she's safe.

"Nicolai..." Gulat ang rumehistro sa mukha niya ng pumasok ako sa kwarto. Halatang kakagising niya lang.

"Good morning, Michelle." Inilagay ko sa side table ang soup na dala ko, "For your hangover."

"Thanks." Iyon lamang ang sinagot niya at nagsimulang kumain. Nakatitig lamang ako sa kanya, "Why?"

"Wala. I just want to see the details of your face. I want to remember it."

Nasamid siya kaya't inabot ko kaagad sa kanya ang tubig.

"Sorry." Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. "I want to make things right this time. I want to prove myself to you."

"Nicolai-..."

Pinutol ko ang sasabihin niya, "Please, just give me a chance."

Sasagot na sana siya ngunit may nag doorbell, parehas kaming napatayo ng kama. Sabay kaming lumabas ng kwarto, umupo siya sa sofa habang nakain samantalang dumiretso ako sa pinto.

"Nicolai!" Masayang saad nito at niyakap ako.

Nagulat ako't hindi nakapag react kaagad.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko? I told you, I will make you mine."

Doon lamang ako natauhan at kaagad siyang tinulak. "Marpy, this is not right. I don't love you and that won't happen."

Tumaas ang kilay niya, "It is because of that bitch, Michelle? Oh-.." Napatingin siya sa sofa, "You're here."

Tumayo si Michelle at lumapit sa amin, "Yeah, any problem?"

"Of course, I have. You're my problem. Mang-aagaw ka." Madiin at matalas na saad ni Marpy.

"Mang-aagaw? I didn't steal anything from you." Ngumisi si Michelle na naging dahilan ng inis ni Marpy.

"Tandaan mo ang araw na ito, pagsisisihan mong bumalik ka pa." Inis na saad nito at umalis.

"Aalis na ako Nicolai." Malamig na saad ni Michelle at kinuha ang mga gamit niya.

"Ihahatid na kita."

Tumigil siya sa harap ko, "Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko." Tumalikod si at iniwan ako.

Wala na naman akong nagawa. After she left years ago, hindi ko itinuloy ang kasal namin ni Marpy. Iyon ang unang beses na sinunod ko ang sarili ko at sumuway sa gusto ng mga magulang ko at ni Lolo.

Ang unang beses na sigurado ako sa kung anong gusto ko para sa sarili ko.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now