Chapter 13

11 2 0
                                    

"Good afternoon, Ma'am. Name po?" Tanong ng Nurse na nasa front desk. Nandito ako ngayon sa hospital, may naiwan si Nhicole sa condo noong pumunta sila dun ni Clarity, kailangan niya na to ngayon kaya't ako na ang pumunta dito.

"Kay Nurse Nhicole."

Tumango siya, "Sige po, wait niyo nalang po siya."

Nagpasalamat ako at umupo sa waiting area. Hindi rin nagtagal at ilang minuto lang ay nakita ko na si Nhicole..

"Sorry talaga ha, kailangan na kasi ngayon naabala tuloy kita."

"Ano ka ba ayos lang yun, day off ko rin kasi ngayon."

"Sige na, uwi ka na at magpahinga." Hinila pa niya ako papalapit sa exit.

Ang weird niya, hindi naman siya ganito ka atat pauwiin ako kapag nagkikita kami.

"Ang weird mo." Nakakunot noong tumingin ako sa kanya.

"Gusto lang kitang makapag beauty rest, sige na i-enjoy mo ang day off mo."

Tumango na lamang ako at lumabas na, kahit na may tanong sa isip. Habang naglalakad papunta sa parking lot ay kinuha ko ang cellphone ko, nagvibrate kasi ito. May nag-text.

Dahan-dahan ang paglakad ko dahil hindi ako nakatingin sa daan. May mga iilang Nurse din kasi akong nakakasalubong.

"Sorry, pasensya na." Paumanhin ko dahil nasagi ko ang dalawang Nurse. Ngumiti lang sila sa akin at tumango pagkatapos ay nag-usap na ulit sila.

"So ayun na nga, alam mo na ba yung balita tungkol kay Dr. Nicolai?"

Kaagad nilang nakuha ang atensyon ko dahil sa narinig. Mas lalo kong binagalan ang lakad ko upang marinig ang usapan nila.

"Hindi pa, ano ba iyon? Si Dr. Nicolai ang laman ng chismis ngayon sa Hospital."

"Hay naku teh! Maloloka ka. Engaged na raw si Dr. Nicolai at ang balita pa Architect daw iyong babae."

Natigilan ako, engaged na siya? Sa isang Architect din na gaya ko?

"Kilala mo ba?"

"Hindi nga eh, hindi pa pinapakilala kung sino."

Umalis na rin kaagad ang dalawang Nurse, naiwan ako sa parking lot. Tulala at hindi makapaniwala sa narinig. Kakasabi niya lang sakin noong nakaraan na gusto niya ako.

Kaya ba gusto na akong pauwiin kaagad ni Nhicole para hindi marinig ang balitang ito.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.

Umaasa ba ako sa kanya?

Dali-dali akong sumakay ng kotse at umalis, hindi alam kung saan patungo. Kung saan na lamang ako dalhin ng mga paa ko.

Natigil ako sa isang park, kung saan ko nakilala si Ash. Nahanap ko nalang ang sariling tinatahak ang daan papunta sa playground. Umupo ako sa swing. Unti-onti ay dinuduyan ang sarili.

Kung nahanap ko ba si Ash ay magiging maayos ako ngayon?

My father died when I was young. Naiwan kaming tatlo nila Nanay.

Kusa na lamang nagpauhan sa pagtulo ang mga luha ko.

"Chelle..." Napahinto ako sa pagduyan, isang tao lang ang tumatawag sakin ng ganoon.

Si Ash....

Walang sabing hinarap ko ang tumawag sakin, sabik na makita ito.

"N...Nash..." Ang pinsan ni Andrey.

"Sa wakas, nahanap din kita Chelle." Malaki ang iginawad niyang ngiti sa akin.

Samantalang nakatitig lamang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi niya. 

Si Ash na nga ba ang nasa harap ko ngayon....

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now