Naiinis na umalis ako sa condo ni Nicolai. Bwiset na Marpy iyon. Binilisan ko ang lakad ko dahil pasara na ang elevator na kaagad ko ring pinagsisihan dahil si Marpy ang laman noon.
Pumasok ako at pinindot ang floor kung nasaan ang condo ko.
"So dito ka rin nakatira? Tibay mo talaga."
"Wala kang paki, lumipat ka rin dito kung gusto mo." Hindi ko siya tinitignan. Baka rito pa kami magsabunutan.
Lalabas na sana ako ng makarating ako sa floor ng condo ko ngunit hinawakan niya ako.
"At saan ka pupunta? Akala mo ba palalampasin ko nalang ito basta?"
"Ano ba, Marpy. Hindi ko na kasalanan kung hindi ka gusto ni Nicolai."
Sumarado na ang elevator kaya't hindi na ako nakalabas. Hawak niya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa ground floor, kung saan ang parking lot.
"Ano bang problema mo? Nababaliw ka na talaga." Iritang wika ko, inalis ko ang kamay niya ng makalabas kami ng elevator.
"Baliw na nga ako.." Kaagad niya akong sinugod at sinabunutan. "Bwisit ka talagang babae ka!"
Nilabanan ko ang sabunot niya hanggang sa maupo na kami sa sahig, ayaw niya pa ring bitawan ang buhok ko.
"What the-..." Tila gulat na saad ng kung sino ng makita kami, kaagad itong lumapit sa amin at pinaghiwalay kami. Si Andrey.
"Michelle." Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "Marpy." Saad nito at inilipat ang tingin kay Marpy.
Sarkastikong humalakhak si Marpy, "You sound innocent Andrey, hindi ba't inutusan mo ang pinsan mo na magpanggap na kunwaring kababata ni Michelle?"
Naguguluhang tumingin ako kay Marpy, bakit alam niya iyon?
"Hindi mo alam? Kawawa ka naman. Niloloko ka ng taong nasa paligid mo."
Hindi ako nakapag timpi at sinampal siya. Masamang titig ang ipinukol niya sa akin.
"Tingin mo ba tapos na lahat? Hindi, hindi kita patatahimikin." May kung anong kinuha siya sa bag niya, napako ako sa kinatatayuan ng makitang baril iyon.
Itinutok niya iyon sa akin, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Marpy, huminahon ka." Si Andrey. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang ang titig ko kay Marpy.
"Sa tingin mo ba takot akong mamatay? Hindi mo ako matatakot sa ganyan mo Marpy.." Matapang kong saad. Sa loob-loob ko ay kinakabahan na talaga ako, ayoko pang iwan sila Nanay, kailangan pa nila ako.
Isang ingay ng putok ng baril ang bumalot sa ground floor...
Napapikit ako't pinapakiramdaman ang sarili, bakit ganoon? Wala akong maramdaman.
Ilang minuto akong nakapikit, hindi na nasundan ang putok ng baril, napamulat ako ng marinig ang pag bagsak ng baril at pag-iyak ni Marpy.
Ganoon na lamang ang gulat ko ng makitang nakahiga na si Andrey at puno ng dugo, kaagad akong lumapit sa kanya..
"Andrey, do you hear me? Please, huwag kang pipikit." Nanatili lamang ang tingin niya sa akin. " Andrey? Huwag kang pipikit okay?" Hindi ko na mapigilan at tuluyan na akong umiyak..
"Bakit mo naman sinalo yung bala? Hindi mo naman kailangang gawin yun."
Ngumiti siya sa akin, "I'm sorry Michelle, m...mahal kita. N...nagawa ko lang iyon kasi mahal kita."
Dahan-dahan niyang itinaas ng kanya niya kaya't hinawakan ko iyon, "M...Mahal na mahal kita..."
"Please, Andrey. Lumaban ka."
Ngumiti lamang siya sa akin...
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...