Ilan nalang kaming naiwan dito, umalis na sila Kuya Kian at Athena. Samantalang sila Ibraim ay wala atang balak umuwi, palibhasa ay tulog na ang mga anak nila. Sa harap ko pa sila naglalandian, etong apat na ito. Masama ko silang tinignan.
"Grabe ka naman tumingin Michelle." Palabirong saad ni Ibraim.
"Hayaan mo, ganiyan talaga kapag walang boyfriend." Natatawang saad ni Nhicole.
"hUy, gRaBe NaMan kAyOooooo." Lasing na saad ni Clarity. Si Bruce ay tahimik lang na nakamasid sa asawa.
"Excuse us." Biglaang saad nito at binuhat si Clarity. Lasing na lasing na ito.
"Huy hintayin niyo kami!" Sigaw ni Ibraim at hinila si Nhicole.
Naiwan ako, ang mga iyon talaga. Alam naman nilang nandito pa si Nicolai, iniwan pa ako rito kasama ang lalaking to. Mga walang puso.
"Do you want to go home?"
"Dito nalang muna siguro ako matutulog." Bukod sa alas tres na ng madalig araw ay wala rin akong dalang sasakyan, sumabay lang kasi ako kala Nhicole kanina kaya't hindi na ako nagdala ng sasakyan.
"You sure? Malamok dito."
Tumango lamang ako. Bakit ba ang dami niyang tanong.
"We should go inside." Saad niya at tumayo. Nanatili lamang siyang nakatayo kaya't napatingin ako sa kanya.
"Oh? Anong hinihintay mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ikaw."
Napairap ako at napilitang tumayo.
"Tara na nga. Wala naman na akong magagawa." Pagsuko ko.
Nakita ko pa ang bahagyang pag ngiti niya. Nakasunod lamang ako sa kanya.
"Oh, Hijo, ikaw pala yan. Tagal mo ring hindi nakabisita rito ah. Mabuti't nakapunta ka sa binyag ni Blair." Saad ni Nanay Cora ng makita si Nicolai.
"Oo nga po, Nay Cora, busy po kasi sa hospital." Magalang na sagot ni Nicolai. Nanatili lamang akong tahimik.
"Bakit gising pa kayong dalawa? Kanina pa umakyat iyong apat sa taas." Saad ni Nanay Cora at tumingin din sakin.
"Ah, iniwan po kasi nila kami sa labas." Nahihiyang saad ko.
Bahagya siyang tumawa, "Ang mga iyon talaga. Osiya, umakyat na kayo."
"Opo, saan po ba ang guest room?" Tanong ko.
"Yung nasa pinakadulo, iyon nalang ang hindi okupado."
Tahimik kaming umakyat ni Nicolai. Natigil kami sa isang tapat ng pinto. Ito na ang pinaka dulo, sinunod namin ang sinabi ni Nanay Cora.
Nagkatinginan kami, isa nalang ang bakanteng kwarto?
"Uhm- Sige pasok ka na, sa baba nalang ako." Saad ko at tangkang aalis na.
"Wait. Ikaw nalang ang gumamit ng guests room. Ako nalang ang matutulog sa baba."
"Ako na-..."
"Oh, anong pinag-aawayan niyong dalawa?" Si Nanay Cora.
"Ah, kasi po isang kwarto nalang po ang bakante-..." Nahihiyang turan ko.
Natawa siya ulit, "Ano ba kayo." Lumapit siya samin at binuksan ang pinto, "Dalawa naman ang kama sa loob niyan, huwag kayong mag-alala."
"Ay ganon po ba, salamat po." Halos mamula na ako. Bakit ba kasi hindi muna namin tinignan ang loob, nag-away pa talaga kami.
"Osiya, matulog na kayo. Anong oras na."
"Opo, good night po."
Halos hindi ako makatingin kay Nicolai ng makapasok kami sa guest room. Ano ba itong nangyayari sakin.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...