"Dad, Mom, what happened?" Naga-alalang tanong ko. Tumawag sila sa akin kanina. May emergency daw kaya't nagmadali akong umuwi, galing pa akong Tagaytay. Hindi ko tuloy natapos ang nais kong sabihin kay Chelle.
Nagulat pa ako dahil may mga bisita kami.
"This is Herrera Family, you need to marry Marpy."
"But-..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin mo dahil hinila ako ni Mommy patungo sa kusina.
"Mom, ayoko."
"Magagalit ang Daddy mo, para ito sa company natin." Hindi ako sumagot, "Nicolai. Akala mo ba'y hindi ko alam ang pinaggagawa mo? Huwag mong susubukan ang Daddy mo kung ayaw mong bumagsak ang babaeng gusto ko dahil sayo."
Ang mga sariling iyon, wala na akong nagawa.
"Let's remake that scene. I will make I t right this time." Kahit kinakabahan ay nakuha ko pa ring sabihin iyon nang diretso.
"I... I don't like you, Michelle." Because I love you. Gusto kong sabihin iyon sa kanya. Gustong-gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya.. "Nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi kita gusto."
Umayos siya ng tayo, "I like you, Nicolai." Tumigil ang mundo ko, gusto ko siyang yakapin at sabay naming tatakasan ang mga problema ngunit ayokong mapahamak siya. Ayokong masaktan siya dahil sakin. "I just want you to know."
Hindi ako nagsalita, natatakot ako sa kung anuman ang kaya kong sabihin. Baka bigla akong bumigay.
"C... Can I hug you? For the first and last time."
Inisang hakbang niya ang pagitan namin at niyakap ako, natatakot akong yumakap pabalik dahil baka kapag ginawa ko iyon ay hindi ko na siya bitawan. Ramdam ko ang pag-nginig ng balikat niya, umiiyak siya.
Yayakapin ko na siya sana siya nang bumitaw siya at tumingin sa akin, "Time for goodbyes.." Humakbang siya paatras, papalayo sakin. "I hope we never meet again." Kung alam mo lang kung gaano kita gustong makita, na sana ay ikaw nalang lagi ang makikita sa pagbukas ng mga mata ko sa umaga at bago ako pumikit sa gabi.
Tumalikod siya sa akin at tumakbo papalayo...
Nalaman ko nalang na pumunta na siyang ibang bansa. I always questioned myself, sobrang hina ko.
"Dad, Mom, I don't want to marry Marpy.." I bravely said.
Sumama ang tingin ni Dad sa akin, "Then, you're free to leave this house."
Si Mommy ay halos maiyak na, "Nicolai, please. Gawin mo para sa amin ng Daddy mo."
"But Mom, lahat naman ginawa ko para sa inyo, nag med school ako dahil sabi niyo. Etong bagay na ito lang Mommy, ayokong ikasal kay Marpy."
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang palad ni Daddy sa pisngi ko. Wala siyang sinabi at umalis na. Sinundan siya ni Mommy kaya't naiwan ako.
Sa buong buhay ko, ang lahat ng gusto nila ang nasunod. I wanted to take Law before, ang kaso ay hindi nila ako susuportahan sa pag-aaral kapag hindi Medical Field related ang course ko. Wala akong nagawa, hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko, napilitan akong mag Med School at bitawan ang pangarap kong maging isang Lawyer.
Umalis ako ng bahay at sa condo na tumira. Hindi ako pumunta noong araw ng kasal, nakatanggap ako ng ilang tawag mula sa kanila ngunit wala akong sinagot kahit isa doon. Ayoko. Ang mga credit card na galing kay Daddy ay hindi ko na ginagamit, gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko.
Iyon lang naman ang tanging hiling ko, ang hindi maikasal kay Marpy.
Sumugod si Daddy sa condo kong galit na galit. Ipinahiya ko raw siya sa pamilya ni Marpy.
Kung pwede lang ay sana'y hindi nalang sila ang naging magulang ko. Lagi kong iniisip iyon, mas ayos na sa akin ang maging mahirap basta't may kalayaan. Aanhin ko ang pera kung hindi ko naman magawa ang mga bagay na gusto ko, ang mga bagay na magpapasaya sa akin.
Isang ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Michelle, naayos na ang lahat. Nakausap ko na si Dad at Mom, humingi sila ng tawad, masaya pero alam kong may kulang.
Hanggang sa isang taon pa ulit ang lumipas, birthday noon ni Bryle. Dumating siya. I promised to myself that I will make the things right this time, gusto kong maging maayos ang lahat.
Hindi ganoon kadali ang lahat. Ilang taon pa ulit ang binilang bago naging maayos ang lahat.
At sa wakas, ang tanging hiling ko ay natupad na.
"Love, kanina ka pa?"
Nakangiting hinarap ko si Michelle, niyakap ko siya, "Hindi naman, sakto lang."
"Saan pala tayo pupunta?"
Tumawa ako, "Secret." Gusto kong dalhin siya sa isang importanteng lugar para sa amin.
"Teka, alam ko na ito. Pupunta ba tayo sa private resort sa Tagaytay?"
Ngumiti lamang ako, nang makarating kami ay inalalayan ko siya pababa. Noong umalis siya ay pinilit ko si Bruce na ibenta ang resort na ito sa akin, ilang pilit pa ang ginawa ko bago siya pumayag.
Inilabas ko ang blindfold...
"Para saan iyan?" Takang tanong niya, ngumiti lamang ako at inilagay na iyon sa kanya, dumating rin kaagad sila Clarity, sila na muna ang bahala kay Michelle.
Kaagad akong nagpalit at inayos ang sarili..
Pagkabalik ko ay nasa gitna na siya ng heart na nakaukit sa buhangin. Ganoon na lamang ang gulat niya ng tanggalin na ang blindfold.
"Nicolai..." Ngumiti ako sa kanya.
Lumapit ako sa kanya, "Michelle.." Lumuhod ako sa harap niya, inilabas ko ang sing-sing, "Will you marry me?"
Hindi pa man siya nakakasagot ay tumulo na ang mga luha niya, "O...Oo naman. Syempre." Kaagad akong tumayo ay niyakap siya. Sinuot ko sa kanya ang sing-sing, bagay na bagay.
"I love you, Nicolai.."
"I love you more, Michelle.."
Sa hirap man o sa ginhawa, ikaw ang pipiliin kong laging makasama. Maligaw man ng landas, hahanapin ang daan pauwi sa iyo.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
Roman d'amourThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...