Chapter 6

13 3 0
                                    

"Wow. Mukhang maganda ang naging tulog mo Michelle." Bungad sakin ni Nhicole pagkalabas ko ng guest room.

Nang magising ako ay wala na si Nicolai sa loob.

"Oo sobrang saya, sa sobrang saya ko gusto na kitang ihulog diyan sa hagdan." Saad ko at ngumiti nang pilit sa kanya.

"May nangyari ba?"

"Nangyari?"

"Sainyo." Diretsong sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, "Yuck, Nhicole ano ba iyang nasa isip mo."

"Grabe yung reaksyon Michelle ha, ay, oo nga pala NBSB ka." Natatawang saad niya at naunang bumaba.

"Baka sainyo may nangyari," Saad ko at sumunod sa kanya.

Tumigil siya at nakangiting tumingin sakin.

"Yuck! Ang aga-aga Nhicole." Saad ko at iniwan siya sa hagdan. Purkit may mga asawa na sila.

"Hoy Michelle. Hindi mo man lang tatanungin ang details sakin?" Habol pa niya.

"Heh. Ewan ko sayo." 

"Ang dumi ng utak mo." Natatawang sigaw niya.

Tuluyan ko na siyang iniwan at dumiretso sa kusina. Naramdaman ko bigla ang hangover ko. 

"Good morning." Masiglang bati ni Nicolai.

Anong good sa morning? Tanong ko sa sarili. Lalong sumama ang itsura ng mukha ko, naalala ko na naman ang pinagsasabi ni Nhicole.

"Pang biyernes santo ang mukha natin ah." Tumatawang saad ni Ibraim.

Paano kasi iyang asawa mo. Napairap ako.

"Hayaan niyo. Hindi pa kasi nadidiligan."

Nanlaki ang mga mata ko, tumabi pa sakin si Nhicole habang nakangiti. Nakakangiti pa siya sa sitwasyon na to. Samantalang gusto ko ng magpalamon sa lupa.

"Hehehe. Kung ikaw ang diligan ko diyan?" Kinurot ko siya at pekeng tumawa. Kinuha ko ang tubig na nasa table at pinainom sa kanya.

Naubo siya kaya't kaagad na lumapit si Ibraim sa kanya. Tawa pa rin nang tawa, baliw talaga.

"Here," Napalingon ako kay Nicolai, iniabot niya sakin ang isang mangkok, nakita niya siguro ang pagtataka sa itsura ko. "Soup for hangover."

Napatango ako at kaagad na kinuha iyon. Kailangan ko ito para mahimasmasan sa pinagsasabi ni Nhicole.

"Yung akin?" Tanong ni Ibraim kay Nicolai.

"You can get there," Sagot nito at itinuro ang pinagkuhanan niya.

"Damot." Bulong ni Ibraim at tumayo. "Nhicole, Baby. Do you want soup?"

Tumango si Nhicole at tumabi sakin. Mabuti't hindi na siya nang-asar.

"Si Clarity?" Tanong ko dahil hindi pa sila bumababa.

"Kanina pa sila umalis, hinatid nila si Blair sa bahay nila Tito." Sagot ni Ibraim.

"Huh bakit daw?" Pagtataka ko.

"Hindi ka ba nasabihan?" Takang tanong niya rin, umiling ako. "May outing daw tayo e."

"Huh? Kailan?"

"Mamaya." Casual na sagot niya.

"Ha? Mamaya na kaagad?" Gulat na saad ko. Ni hindi pa nga ako nakakauwi ng condo.

"Kanina lang rin sinabi samin ni Clarity." Singit ni Nhicole. "Kaya pinasama na namin kay Blair si Bryle."

"Uuwi ba kayo?"

"Malamang teh. Wala rin akong dalang damit. Uuwi kami maya-maya." Tumango-tango ako.

Tumayo ako at nilagay ang mangkok na ginamit ko sa lababo. Hindi ko namalayang sumunod sa akin si Nicolai.

"Sasama ka?" He asked. Tumango ako at sinimulang sabunan ang mga ligpitin. "Paano ka uuwi?" Tanong niya ulit.

"Sasabay nalang siguro ako kay Nhicole." Sagot ko. Ang mga sinabunan ko ay siimulan niyang anlawan.

"Pwede kang sumabay sakin." Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Naka-focus siya sa ginagawa, "I mean, you and I have a same direction."

Sandali akong napaisip. Iba nga pala ang daan ng bahay nila Nhicole at condo ko.

"Okay." Pagpayag ko sa suggestion niya.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now