Nakarating kami sa isang private resort sa Tagaytay... Expected kong mayaman sila Bruce pero hindi ko alam na mas mayaman pa pala siya sa inaakala ko, he owns this private resort. Napatingin ako sa tatlo, alam kong mayaman din si Ibraim at Nicolai, hindi malabong mangyari iyon, hindi malaki ang ulo nila kaya't hindi nila pinangangalandakan ang yaman nila. Which is good.
Malawak ang private resort, mayroong dagat at dalawang swimming pool. Ang sabi ay pinasara raw muna ni Bruce para sa outing namin kaya't kaming anim lang ang tao rito bukod sa mga staffs.
Abala kaming mga babae sa paghahanda ng mga pagkain, habang ang mga lalaki naman ay nagse-set ng bonfire. Malapit na ring maghating gabi.
Wala atang balak magsitulog ang mga ito. Mabuti nalang at natulog ako kanina- Iniwaksi ko kaagad sa isipan iyon ng maalalang katabi kong matulog si Nicolai kanina at nakasandal pa ako sa balikat niya..
"Ano yan? Nababaliw ka na. Bakit nailing ka diyan?" Si Nhicole.
"Wala. Huwag ka na."
"Sus. Iniisip mo siguro yung nangyari sainyo ni Nicolai."
"Nangyari? Wala namang nangyari samin natulog lang kami."
"Alam mo, bagay talaga kayo." Saad ng kararating lang na si Athena, "Promise, ganyan din tingin ko dati kay Clarity at Bruce." Itinaas niya pa ang kanang kamay niya.
"Malabo na mata mo, baka may katarata ka na."
"You're so mean. Hinahanapan ka na nga namin ng love life para hindi ka na malungkot."
"Masaya naman ako sa buhay ko. Mukha ba akong malungkot?"
"Oo.." Sabay na sagot nilang dalawa.
"And besides, wala namang masama if you try. Malay mo kayo pala talaga." Pamimilit ni Athena.
"Jopay...." Pagkanta ni Nhicole, "Kamusta ka na~."
"Ay naku! Ewan ko sa inyong dalawa. Basta, walang namamagitan saming dalawa." Pagpapaliwanag ko.
Iniwan ko sila doon at tinulungan si Clarity na mag-ayos ng mga pinggan.
"Oh? Bakit nakabusangot ka?" Tanong niya ng makalapit ako sakanya. "Inaasar ka ulit nung dalawa?"
Tumango ako, "Ayokong maging matandang dalaga pero ayoko rin ipilit ang isang bagay na imposible. Kakakilala palang namin."
Sumang-ayon naman siya, "Oo nga, kakakilala niyo lang pero bother na bother ka diyan."
Natigilan ako, "Huh?"
"Alam mo ba kung bakit ka nila inaasar?" Umiling ako, "Ako rin, hindi ko alam." Nahampas ko siya, wala na talaga akong makausap na matino.
Napatingin ako sa direksyon ng mga lalaki kung saan sinisimulan na nilang apuyan ang mga kahoy, kaagad hinanap ng mga mata ko si Nicolai.
Kahit ang sarili ko ay naguguluhan. Mukha ngang apektado ako sa pang-aasar nila.
Umaayos ka Michelle, ni wala pa kayong isang linggong magkakilala.
Napailing ako't ibinalik ang tingin kay Nicolai, madali siyang magustuhan, kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya. Mabait siya't- Natigil ako ng biglang tumingin siya sa direksyon ko at magtama ng tingin ang mga mata namin, kaagad akong umiwas ng tingin.
"Papalapit na siya.." Rinig kong bulong ni Clarity..
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Papalit na si Nicolai.."
Napaangat ang tingin ko, ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko ng makitang papunta siya sa direksyon ko.
"Tulungan ko muna sila Nhicole." Paalam ni Clarity ng makalapit si Nicolai sa pwesto namin.
Pinanlakihan ko siya ng mata, senyales na ayokong iwan niya ako rito ngunit wala na akong nagawa ng tuluyan na siyang umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/307548308-288-k362636.jpg)
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...