Chapter 2

12 4 2
                                    

"ANO?" Gulat na saad ko ng masagot ko ang tawag galing kay Nhicole.

"Dalian mo na, manganganak na si Clarity!" Aligagang sagot niya.

"Oo, sandali eto na!" Bumangon ako at nagmadaling mag-ayos ng gamit.

Ilang sandali lamang ang itinagal ng byahe bago ako makarating sa hospital.

"Ano ng nangyari?" Tanong ko kaagad ng makita sila.

Nasa labas pa rin sila ngayon ng delivery room.

"Wala pa nga e, mahigit isang oras na sila diyan sa loob." Si Ibraim ang sumagot.

Nauna sila sakin dito ni Nhicole.

Napatingin ako kay Bruce na namumutla. Napansin din siguro ni Ibraim si Bruce kaya't nilapitan niya ito.

"Uy pre, baka mahimatay ka diyan ah." Saad nito at inakbayan si Bruce.

"Palibhasa tinaguan ka ng anak kaya hindi mo alam ang feeling."

Sabay kaming natawa ni Nhicole sa narinig, real talk iyon ah.

"OMYGOD GUYS! WHAT HAPPENED? LUMABAS NA BA ANG INAANAK KO?" Ang matinis na boses ni Athena ang namayani sa buong hallway ng floor kung nasaan kami ngayon.

"Grabe ka! Ang sakit mo sa tenga, dinaig mo pa ang nanganganak sa loob." Reklamo ni Ibraim.

"Manahimik ka riyan!" Mataray na saad ni Athena at nilampasan si Ibraim.

"You okay? Papunta na dito sila Tito." Pagkausap niya kay Bruce, tumango lang ito sa kanya.

"You guys need something? Kanina pa kayo dito. I'll buy some foods." Offer ko sa kanila.

"Oo, gutom na gutom na ako." Saad ni Ibraim at humawak pa sa tiyan niya.

"Aray!" Daing ni Ibraim ng batukan siya ni Nhicole.

"Anong gutom na gutom? Halos 30 minutes palang tayo dito."

Natatawang tinignan ko sila, "Ikaw Athena? Magpapabili ka?"

"Coffee nalang siguro." Nahihiyang saad niya.

"Okay." Bahagya ko siyang nginitian.

Tinanong ko rin si Bruce ngunit kahit ano lang daw ang sa kanya. Bahala na nga.

"Samahan na kita?" Tanong ni Athena.

"Sige." Sabay kaming pumunta sa tapat ng elevator.

Sasakay na sana kami ng magsalita si Athena,

"Ay wait, may nakalimutan ako. Una ka na, susunod nalang ako."

Tumango ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa elevator.

Ako lang mag-isa ang sakay ng elevator, natatakot akong baka bigla nalang huminto 'to.

Paakyat ang andar ng elevator, marahil ay may mga sasakay din galing sa taas.

Nasa pinakataas na floor na ngunit wala pa ring sumasakay, natatakot na ako. Baka pinaglalaruan ng multo ang elevator dito.

Magsasara na sana ang elevator ng biglang may humarang na kamay.

Pumasok ang isang doctor. Nagulat pa ako dahil masiyado pa siyang bata sa tingin ko ay kasing edad ko lang siya o mas matanda lang sakin ng dalawang taon. Hindi ko nga lang kita ang mukha niya dahil may suot siyang face mask.

Umusod ako ng kaunti sa gilid para hindi ako masyadong malapit sa kanya. Medyo malaki kasi ang katawan niya at matangkad din siya.

Nahiya bigla ang height ko sa tangkad niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang name tag niya.

Nicolai
Surgeon

Oh, isa pala siyang surgeon. Hindi ko makita ang buong pangalan niya dahil natatakpan ito. Nicolai lang ang nabasa ko.

"Ms. bababa ka ba? Nasa groundfloor na tayo." Natauhan ako ng magsalita siya. Ang manly naman ng boses niya halatang magaling kumanta.

"H-Ha?" Nagtatakang saad ko. Ngayon ko lang narealize na tama nga ang sinabi niya, nasa groundfloor na nga kami. Nakakahiya.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now