Chapter 19

13 4 6
                                    

"What happened?" Si Athena na kararating lang sa kusina, marahil narinig niya ang ingay namin. Natigilan siya nang makita ang platito na hawak ni Nhicole. "M...Michelle, s.. seriously?" Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin.

Nanlulumo ako, naaawa ako sa sarili ko. "I'm sorry." Nagsituluan na naman ang mga luha ko, "Kahit anong subok ko, ang katawan ko ang umaayaw."

Lumapit sa akin si Clarity, "Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo dahil lang sakanya." Pumiyok siya, hudyat na iiyak na siya.

"I... I'm sorry..." Iyon lamang ang tanging lumalabas sa bibig ko.

Napatingin kami kay Nhicole nang inilagay niya ang platito sa lamesa at dali-daling umalis.

Naging alerto ako at kaagad siyang sinundan knowing her, alam ko kung saan siya pupunta.

"Nhicole, please... Huwag na..." Nagmamakaawa ako pero tuloy pa rin siya, kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas ng condo.

Patakbo kaming sumunod sa kanya hanggang sa makarating siya sa parking lot, "N... Nhicole.." Nagmamakaawang tumingin ako sa kanya.

"No Michelle. This is enough." Matalim niya akong tinignan at sumakay sa kotse niya.

"S...Sundan natin siya..."

Mabilis ang naging kilos ni Athena at kaagad na pumasok sa kotse niya, kaagad din kaming sumunod ni Clarity..

"Saan ba siya pupunta?" Nagtatakang tanong ni Athena, "Shit...What the--.." Napagtanto niya na kung saan papunta ang daan na tinatahak namin.

"Sa engagement party." Malamig na saad ni Clarity. "No one can stop her."

Alam ko ang ibig niyang sabihin, galit na si Nicole at kapag galit na siya ay wala ng makakapigil sa desisyon niya.

Tingin ko'y kailangan ko na itong harapin...

Kaagad kaming bumaba ng makarating kami sa venue, mabuti't maaga palang kaya't wala pang bisita. Nag-aayos palang ang mga caterer.

"Shit, where is she?" Bulong ni Athena, hindi na namin makita si Nhicole dahil mabilis siyang pumasok.

Gulat si Ibraim nang makita kami.. Lumapit kaagad sa kanya si Athena, "Where's your wife?"

"What? Kayo dapat ang tinatanong ko niyan. Nasa condo ni Mic--..." Nahinto siya nang marelized niya ang nangyayari, kaagad kaming napatakbo papasok ng venue.

Isang malakas na tunog ng sampal ang bumungad sa amin. Natigil kaming apat at gulat ang mga mukha.

Namumula ang pisngi ni Nicolai at nasa harap niya si Nhicole na masamang nakatingin sa kanya....

"Nhicole!" Kaagad kaming lumapit kay Nhicole upang pigilan siya..

"Ang kapal ng mukha mong magpakasaya rito. Wala ka bang kunsensya?" Nakawala siya sa amin at isang sampal muli ang natamo ni Nicolai. Hindi man lang siya umilag o lumaban.

Walang buhay ang mga matang nakatingin lamang siya.

"Ano magsalita ka! Hindi purkit kaibigan ka ni Ibraim ay pwede mo ng ganituhin ang kaibigan ko!"

Ang mga nag-aayos ay napapatingin na sa amin, dumating na rin si Kuya Kian, Bruce at... Marpy, kaagad siyang lumapit kay Nicolai.

"Bakit mo siya sinampal?" Inis na wika ni Marpy at handa ng makipag-away kay Nhicole.

"Wala akong pakielam sayo, etong lalaking ito ang kinakausap ko."

Naglakad si Marpy papunta sa mismong harap ni Nhicole, "Bakit ka ba nandito? Sinisira mo ang preparation namin." Matapang na saad nito.

Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Nhicole. Ilang sandali pa ay napasigaw kaming lahat ng sabunutan niya si Marpy.

"Shit. Ibraim, awatin mo ang asawa mo.." Natatarantang saad ni Clarity. Kaagad namang kumilos si Ibraim upang ilayo si Nhicole kay Marpy.

"Calm down, Love." Pag-alo nito.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito, sino ka ba?" Nagawawalang saad ni Marpy dahil pinipigilan siya ni Bruce.

"Mas makapal ang mukha mo."

"Ah talaga..." Akmang susugod si Marpy, mabuti nalang at mahigpit ang hawak ni Bruce sa kanya.

Lahat kami ay natigil nang maglakad si Nicolai papalapit sa akin at hilahin ako papalabas ng venue.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now