"Surprise talaga yan, Bro.."
Napako ang paningin ko sa kanya. After 2 years, ang pilit kong tinakasan.. Alam ko namang magtatagpo ang mga landas namin pero hindi ko inaakalang ganito kaaga at sa ganitong sitwasyon pa. Bakit hindi ko naisip na posibleng nandito rin siya dahil Ninong siya ni Blair... Inalis ko ang tingin kay Nicolai, nablangko ang utak ko. Hindi pa ako handa para sa ganitong sitwasyon.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Clarity, "Sorry, hindi ko kasi alam na nakauwi ka na."
"Gusto mo bang pauwiin ko siya?" Tanong ni Nhicole.
Umiling ako, "Hindi na kailangan, may pamilya na panigurado siya, ang pangit naman kung maging bitter ako. Ayos lang ako."
Nagkatinginan silang tatlo at tumango.
"Sure ka?"
Tumango ako sa kanila at ngumiti, humawak ako sa braso ni Nhicole at naglakad na parang walang si Nicolai sa paligid.
Umupo kami sa pinaka unahang table, kami palang ang tao at sa iisang table namin lahat balak umupo.
Mabuti nalang at medyo malayo sa akin si Nicolai, feeling ko'y hindi ako makakakain ng maayos.
Ilang minuto pa ay nagsidating na rin ang iba pang bisita, ang nga kamag-anak nila Clarity at Bruce at ang iba pa nilang kaibigan.
May isang babae at lalaki rin ang umupo sa table namin, si Kris at si Kuya Laurence, si Jewel na pinsan ni Clarity at si Kuya Laurence ay kaibigan nila Bruce.
Kalaunan ay umalis din si Jewel dahil tinawag ito ng isa pang pinsan ni Clarity na si Julyien, nakababatang kapatid ni Kuya Kian.
Nagsimula rin kaagad ang party, may clown at mga palaro. Halos matatanda rin ang nag-enjoy dahil wala naman masyadong bata.
Ang susunod na laro at Trip to Jerusalem. Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Nhicole patayo.
"Ayoko sumali." Bulong ko sa kanya.
"Dali na, minsan lang ito. Sasali rin kaming lahat."
Nang makita ng clown na puro kami ang sasali ay nilagyan niya ito ng twist. Sa upuan ay may nakaupong mga lalaki at doon kami uupo. Kinakain na ako ng hiya at gusto ko ng itigil ang larong ito. Lalo pa ng makita kong pinipilit nila si Nicolai na sumali dahil kulang pa ng isa.
Anim ang silya kaya't pito kaming mga babaeng nakatayo, game na game naman sila Clarity, Nhicole at Athena dahil ang mga asawa nila ay kasali rin. Paniguradong doon sila uupo.
Ang mga lalaking nakaupo sa silya ay sina Bruce, Ibraim, Kuya Kian, Kuya Laurence, Bryle na nakasimangot dahil siya lang ang bata at si.... Nicolai. Kay Bryle ako lagi pupunta para sa kaya ako makaupo.
Ang mga kasama ko naman ay sina Clarity, Nhicole, Athena, Jewel, Julyien at isang pinsan pa ni Clarity.
Nagsimula na ang tugtog kaya't umikot kami sa mga nakabilog na lalaking nakaupo, napipilitang sumayaw ako. Sa tuwing napupunta ako sa side ni Nicolai ay binibilisan ko ang lakad..
Nang mag stop ang tugtog ay kaagad kong binuhat si Bryle at ako ang umupo sa upuan at kinandong siya, sorry Bryle desperado na talaga ako.
Naunang natanggal iyong pinsan ni Clarity na hindi ko kilala, natanggal din si Kuya Laurence dahil siya ang pinag-agawan.
Nagpatuloy pa ang laro hanggang sa apat nalang kami... Patuloy lang ang ginagawa ko na kay Bryle napunta kaya't tinatawanan nila ako.
Kami nina Clarity, Athena at Jewel nalang ang natira habang ang mga nakaupo naman ay sina Bryle, Bruce at Nicolai.. Bakit ba hindi pa siya natatanggal.
Nag-stop ang tugtog kaya't kaagad ulit akong pumunta kay Bryle.
Natanggal si Athena, nabawas din sa nakaupo si Bruce dahil siya ang pinag-agawan. Tatlo nalang kami, kaagad ba huminto ang music, pupunta na sana ako kay Bryle ng hakawan ni Clarity ang kamay ko.
"Ibigay mo na sa akin to please." Pilit kong inaabot si Bryle. Sa huli ay nakangiti niya akong binitawan.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...