Chapter 32

4 3 0
                                    

[Nicolai]

Mag-iisang oras na simula ng umalis si Michelle sa condo ko, hindi ako mapakali. Kaagad akong lumabas ng condo at sumakay sa elevator.

"Nakita mo ba iyong nag-aaway na dalawang babae sa parking lot kanina?"

"Oo, grabe. Ang alam ko'y bumunot daw ng baril iyong isa. Katakot."

Rinig kong kwentuhan ng mga kasabay ko sa elevator, lalo akong kinabahan.

Please, Michelle. Be safe.

Bumaba kaagad ako ng makarating ako sa ground floor. Natigilan ako ng makitang nakatutok ang baril ni Marpy kay Michelle, hindi siya gumagalaw at nakapikit lamang.

Please don't...

Napapikit ako ng umalingawngaw ang putok ng baril.

Si Michelle, pagmulat ko'y isang lalaki ang duguan na nakahandusay sa sahig.

Nabitawan ni Marpy ang baril at naupo.... Tumawag kaagad ako sa hospital upang humingi ng tulong. Ilang sandali pa ay nakarating na ang ambulansya at mga pulis. Nilagyan ng posas si Marpy at isinakay naman iyong lalaki sa ambulansiya.

Naiwan akong mag-isa sa parking lot. He sacrificed his life for Michelle, I start questioning myself, bakit hindi ko iyon nagawa dati kay Michelle? Hindi ako naging matapang para ipaglaban siya.

"Bro.. What happened?" Si Ibraim, kasama niya si Bruce at nagmadaling lumapit sa akin.

"Where's Michelle?" Seryosong saad ni Bruce.

"Lagot tayo pre, galit na galit na yung mga asawa namin." Dagdag ni Ibraim.

"At the hospital..."

"What the- nabaril ba siya?" Si Ibraim na hindi maipinta ang mukha.

"Nope. Someone saved her."

"Tara na, puntahan natin." Hinila pa ako ni Ibraim kaya't wala na akong nagawa. Nagpatangay na lamang ako.

Habang nasa byahe ay tingin sila nang tingin sa akin ni Bruce. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako.

"Look at yourself." Napatingin ako kay Bruce, "You really look like a mess now."

"I know."

Tahimik lamang akong nakasunod sa kanila habang nagmamadali silang naglalakad sa hallway ng hospital. Lumapit sila kaagad kay Michelle ng makita nila ito.

"Glad you're okay!" Lumapit si Ibraim kay Michelle.

Nanatili lang siyang nakayuko. Umupo si Ibraim sa tabi niya.

"Hey, Michelle. You okay?"

Hindi siya umimik, bigla na lamang siyang umiyak. "K..Kasalanan ko kung bakit siya nabaril."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko man lang siya magawang patahanin.

"Walang may kasalanan, hindi mo kasalanan." Inalo siya ni Ibraim, "Huwag ka ng umiyak, sige ka, lagot tayo kay Nhicole."

"H..Huwag niyong sabihin sa kanila ang nangyari." Saad nito at tumingin din kay Bruce. Nagkatinginan yung dalawa, paniguradong alam na ng mga asawa nila ang nangyari.

Ilang minuto lang at dumating si Clarity, kasama nito si Nhicole at Athena.

"Omygod, Michelle. Are you okay? May masakit ba sa iyo?" Natatarantang saad ni Athena at lumapit kaagad kay Michelle upang i-check siya.

"A..Ayos lang ako." Hindi man lang siya makasalita nang diretso.

"Nasaan na ang Marpy na iyon? Ako ang babaril sa kanya." Gigil na saad ni Nhicole.

"Sino pala ang nasa loob?" Pagtukoy ni Clarity sa nasa loob ng emergency room...

"Si... A...Andrey.."

"What? Don't tell me sinalo niya yung bala para sayo." Gulat na saad ni Clarity, tanging tango lamang ang naisagot ni Michelle.

Ilang oras kaming naghintay sa labas ng emergency room. Maayos na natanggal ang bala sa katawan noong lalaki ngunit delikado pa rin dahil malapit sa puso.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now