Doon ko lang na-realize ang ginawa niya, sinadya niyang makipag-agawan sakin upang si Nicolai ang matira.
Natanggal si Bryle dahil siya ang pinag-agawan namin ni Clarity, kitang-kita ko ang pagtawa nila sa table namin.
Pinapunta kami sa unahan at si Nicolai naman ay sa medyo gitna nakaupo, mag-uunahan kami ni Jewel na makapunta doon, kahit siya nalang ang manalo. Gusto ko ng tapusin ang laro na ito.
Bago magsimula ay tinanong kami ng host..
"Pangalan?" Tanong nito kay Jewel.
"Jewel."
"Ay ang cold..." Natatawang saad ng host at lumipat sa tabi ko, "Pangalan?"
"Uhm.. M...Michelle." Bakit ba ako nanginginig..
Nagtawanan ang mga nasa lamesa namin kaya't natawa ang host...
"Bakit ka nauutal? Siguro'y crush mo itong si Kuyang Pogi." Pang-aasar nito sa akin. Nangasim ang mukha ko.
Lumapit ang host kay Nicolai, "Pangalan Kuyang Pogi? Mukhang type ni Michelle..."
Halos maiyak na ako sa unahan, gusto ko ng umuwi..
"Nicolai." Tipid na sagot nito.
Nagsimula na ang tugtog... Panay ang asar nila sa table namin. Hindi tuloy ako maka focus. Ayokong manalo.
Nang tumigil ang kanta ay nanatili lang akong nakahinto sa unahan, nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Jewel papunta sa gitna, kung nasaan si Nicolai.
Pinipilit kong itigil ang sarili ko sa paghila niya ngunit tila mas malakas siya sa akin. Halos maiyak na ako nang makitang malapit na ako kay Nicolai.
Tumalikod ako kay Nicolai at humarap kay Jewel, tuloy pa rin siya. Nang nasa tapat na kami ni Nicolai ay tumigil siya sa pagtulak sa akin. Kaya't nanatili akong nakatayo sa harap ni Nicolai.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng malakas niya akong itulak kaya't napaupo ako sa kandungan ni Nicolai. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang bahagyang paghawak ni Nicolai sa bewang ko upang mabalanse ako sa ibabaw niya.
Tinabig ko ang kamay niya at tumayo na... Nakayukong namumula ako, ramdam ko ang titig niya mula sa likod ko.
Nahihiyang bumalik ako sa lamesa namin. Naiwan tuloy siya sa gitna. Bakit ba kailangan pa niyang hawakan ang beywang ko, mas pipiliin ko pang mahulog sa kahihiyan.
"What with that face?" Bulong ni Clarity na katabi ko, "Pulang-pula ka."
Doon lamang ako sa tumingin sa kanya, "Hindi ha, maiinit lang. Nasanay na kasi sa ibang bansa ang balat ko!" Depensa ko.
"Malamig naman, nasa garden tayo. Hapon na rin."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry talaga, Ate Michelle." Si Jewel na nasa kabilang side ko. "Bagay kasi kayo eh."
"Ayos lang. Wala iyon. Ang mahalaga nanalo ako..." Sa laro pero sa totoong buhay talo ako.
"Sana magkatuluyan kayo.." Nakangiting wika niya.
Natulala ako, hindi niya ba alam na kasal na si Nicolai? Baka nga may pamilya't anak na siya. Ngumiti na lamang ako sa kanya at hindi na sumagot.
Nabaling ang tingin ko kay Nicolai na kakaupo lang sa upuan niya, naging awkward tuloy ang table namin.
Nang kakain na ay by table ang pila sa pagkain. Nauna kami dahil nasa unahan ang table namin. Mabuti nalang at hindi na ulit kami nagdikit.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
RomanceThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...