Sa Cavite ako natulog kagabi at umuwi rin kaagad kinabukasan, alas tres pa ang simula ng party ni Blair.
Nakabili na ako ng regalo para kay Blair, binilhan ko rin si Bryle. Miss ko na silang lahat. Next month pa ang binyag ng babaeng anak ni Clarity, si Nhicole naman ang kinuha niyang Ninang.
12:00 na ng makarating akong Manila, dumiretso ako sa condo at humiga sa sofa. Kapagod. Natigil ako nang may maalala, sandali akong napatitig sa sofa.
"Huwag kang iiyak." Bulong ko sa sarili. Bumabalik na naman ang naalala naming dalawa.
Bakit nga ba hindi ko pa pinapalitan ang sofa na ito. Kainis. Tumayo ako at inilibot ang tingin sa kabuoan ng condo unit ko.
Ang mga ala-ala bago ako umalis... Malinaw pa rin ang lahat sa isipan ko. Tila nandito pa rin ang bakas ng kahapon ng na pilit kong tinatakasan.
Tumakbo ako papaalis pero pilit akong ibinabalik...
Nanlalabo ang patingin ko, namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko.
"Ang hirap mong kalimutan." Napaupo ako sa sahig ng tuluyang tumulo ang mga luha ko. "After all these years, bakit ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko?"
Ang ilang taon na paglayo ay nabaliwala sa isang maliit na ala-ala, ang emosyong matagal kong itinago ay bumabalik na naman.
Sinubukan ko ba siyang kalimutan? O nilibang ko lang ang sarili ko upang hindi siya maalala?
Sa loob ng dalawang taon ay niloko ko lang ang sarili ko. Akala'y ko'y ayos na ang lahat.
Natigil ako ng mag-ring ang cellphone ko... Kinuha ko iyon sa bulsa at sinagot.
"H...Hello." Mahinang sagot ko, umupo ako sa sofa at pinunasan ang mga luha.
"Nakakainis ka talaga." Boses ni Clarity.. "Kapag next year ay hindi ka pa umuwi." Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya't natawa ako.
"Oo na, uuwi na ako next year. Promise."
"Sino yan?" Boses iyon ni Nhicole.
"Si Michelle." Sagot ni Clarity.
Nakarinig ako ng ilang ingay maya-maya'y si Nhicole na ang nagsalita.
"Girl grabe, ganyan ka ba magpamiss?"
"Bakit namimiss niyo na ba ako?"
"Oo, pati ni.... Bryle at Blair."
"Gusto ko sanang makita rin nang personal ang babaeng anak ni Clarity."
"Sayang kung nandito ka, ang cute niya. Mana sa akin." Narinig ko ang isang hampas.
"Anong mana sayo?" Si Clarity. "Hirap na hirap akong ilabas si Asria."
"Wait..." Gulat na saad ko, "Asria ang pangalan?" Excited na tanong ko.
"Hala, bakit mo sinabi?" Rinig kong taong ni Nhicole. "Hindi dapat natin sasabihin kasi hindi siya umuwi."
"Mga baliw talaga kayo." Natatawang saad ko, "Sige una na ako, may meeting pa ako." Paalam ko sa kanila at pinatay na ang tawag.
Nagpahinga lang ako nang ilang oras. Nang mas alas dos ay umalis na ako papunta sa bahat nila Clarity, doon kasi ang venue. 30-40 minutes kasi ang byahe, baka traffic din dahil weekdays ngayon. Si Nhicole ay kaninang umaga pa pumunta doon para tulungan si Clarity, gusto ko mang tumulong ay gusto ko kasi silang surpresahin. Tutulong nalang ako maglinis at magligpit mamaya.
Nang makapasok ang kotse ko sa gate nila ay nagtinginan sila, marahil ay bago ito sa paningin nila. Hindi naman nila kita ang loob dahil tinted ito. Natatawa ako habang pinina-park ang kotse. Sa garden kasi ang venue at sila-sila palang ang nandoon, hindi nila inalis ang tingin sa kotse ko.
Nakangiting bumaba ako sa kotse.. Namilog ang mga mata nila.
"OMG! I'm not dreaming right? Tell me I'm not dreaming." Ang matiis na boses ni Athena, bahagya pang nakanganga ang bibig niya, "Slap me, please. Wake me up."
Rinig ang tunog ng sampal ni Nhicole sa kanya, "Ouch! Masakit iyon ha!" Reklamo niya.
"Sabi mo sampalin ka."
Tumakbo papalapit sa akin si Clarity at yinakap ako, "Sabi mo hindi ka pupunta.." Nagtatampong saad niya..
"Surprise nakauwi na ako.."
Lumapit din sa amin si Athena at Nhicole.
"You're so unfair, bakit hindi mo sinabi na nakauwi ka na?" Saad ni Athena at niyakap ako..
Wala namang sinabi si Nhicole at diretso akong niyakap..
"Hey!" Nawala ang ngiti ko nang makita ang lalaking kakalabas lang ng bahay nila Clarity. Maging siya ay natigilan nang makita ako.
"Surprise talaga yan, Bro.." Natatawang saad ni Ibraim..
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
Roman d'amourThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...