"Chelle."
"Ang gandang pangalan, bagay sa magandang tulad mo." Hindi ko alam kung corny ba iyon, ngunit ang mahalaga ay nakita ko ang bahagyang pagngiti niya, napakaamo ng mukha niya.
"Mauuna na ako, Chelle." Kumaway ako sa kanya at naglakad papalayo.
Hindi maalis ang mga ngiti sa mukha ko habang naglalakad..
"Is that the girl you want?" Bruce asked.
"Yes." I answered honestly. Nilingon ko pa ang batang tinulungan ko. Chelle. Hope to see you again.
Lagi ko siyang nakikita rito. Hindi kagaya ng ibang bata ay mag-isa lamang siya. Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko alam kung paano hanggang sa nakita ko kaninang pinagtutulungan siya ng ibang mga bata.
Sa swing ko siya unang nakita, nakapikit siya noon habang nakasakay sa swing na tila nalipad. Kumakanta pa siya habang nakapikit, simula noon ay sinasadya ko ng pumunta rito upang makita siya, hindi na siya naalis sa isipan ko. Lalo na ang mga boses niya. Para bang dinuduyan ako ng mga iyon sa ganda.
"Oh? That's why you always wanted to be here." Pagtukoy niya rito sa playground.
"Lai!" Ang matiis na boses ni Athena, kasama niya si Ibraim.
Bumaling ako sa kanya, "Why?"
"Your Dad, hinahanap ka na. Aalis na kayo." Tula lumungkot ang boses niya.
Nagkatinginan kami ni Bruce. Sad to say, ito na ata ang huling pagkikita namin ni Chelle. Mag-stay na kasi kami sa ibang bansa... for good. Nasa ibang bansa kasi ang main branch ng business ni Dad. Gusto niya raw na mag-focus doon.
Ilang oras bago kami umalis ay pumunta ulit ako sa playground. Umupo ako sa swing kung saan ko siya unang nakita.
Pumikit ako, umaasang pagmulat ko'y makikita ko si Chelle.
Ilang oras na ang nagdaan ay hindi ko na siya muling nakita hanggang sa dumating na ang oras na kailangan ko ng umalis.
Ang akala ko'y simpleng paghanga lang naramdaman ko, pero kahit nasa ibang bansa na ako ay hindi pa rin siya maalis sa isip ko.
Tuwing umuuwi kami ng Pilipinas ay pumupunta ako doon sa playground, ngunit hindi ko na siya nakita.
Umaasa ako, na sana ay magkita kami ulit.
Noong makatapos ako ng college ay napagpasyahan kong sa Pilipinas na magtrabaho.
Sa hospital na ata umikot ang buhay ko.
I received a call from Bruce. Ilang buwan na ring nanganak ang asawa niya, hindi ko sila napuntahan noon dahil may surgery ako.
"Ninong ka ng anak ko." Hindi iyon tanong, alam kong malaki ang tampo niya dahil hindi ako naka-attend noong kasal niya.
"I'll try."
"Anong I'll try? Ipapakidnap kita para lang makalabas ka ng hospital tamo."
"Oo na, pupunta ako." Natatawang saad ko. Noong isang linggo ko pa inayos ang schedule ko para makapag take ako ng vacation. Gusto kong bumawi.
Ang kaso, late ako noong binyag ng anak niya, sa reception na ako nakasunod. Nagkaroon ng emergency.
Isang bulto ng nakatalikod na babae ang una kong napansin, pabilog kasi ang lamesa, pamilyar siya. Noong humarap siya'y doon ko lang naalala, siya yung babae sa elevator.
Natatawa pa rin ako habang inaalala ang nangyaring iyon.
"Michelle, ikaw kailan mo balak mag boyfriend?"
Natigil sa narinig. Doon ko lamang napagtanto, tinitigan ko siya. Bakit ko nga nakalimutan, si Michelle. Hindi na siya gaya ng dati, hindi na siya mukhang lampa.
Sigurado akong siya ito. Napaka liit talaga ng mundo. Pinagsisihan ko tuloy na hindi ako naka-attend noong kasal ni Bruce, edi sana'y mas maaga ko siyang nakita.
Noong gabing iyon ay nangako ako sa sarili ko, na gagawin ang lahat upang mas makilala siya. Gusto kong maging parte ng buhay niya, gusto kong makasama siya hanggang sa pagtanda, gusto ko siyang ipagtanggol.
YOU ARE READING
First Love (Writers Love Series #3)
Roman d'amourThe woman who wants to feel love. Isa siya sa tinatawag na No Boyfriend Since Birth o NBSB. Kagaya ng ilang babae, gusto niyang maranasan ang magkaroon ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang lalaking handa siyang tanggapin maging...