Chapter 16

9 2 0
                                    

"Ingat, KN!" Nakangiting bumaba si Marpy sa sasakyan ni Nicolai. Kung ganito ang makikita ko sa umaga ay sana nagpalate nalang ako.

"Michelle!" Huminto ako at nilingon si Marpy. Tumakbo siya papalapit sa akin at humawak sa braso ko. What's wrong with her? Hindi naman siya ganito dati ka-close sakin.

"Hmm?" Sabay kaming naglakad papasok sa company.

"Nakita mo na si KN? I mean Lai, Nicolai." Ang dami niya namang tawag kay Nicolai, samantalang Nicolai lang ang tawag ko dun.

"Yeah, I saw him yesterday."

"He's so handsome, right?"

"Uh-..." Nawalan ako ng sasabihin.

"He's really handsome!!" Nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Ganoon ba siya ka-inlove kay Nicolai?

"Wait..." Huminto siya kaya't napahinto rin ako sa paglalakad dahil nakakapit siya sa akin, kumawala siya sandali sa kapit at may kinuha sa bag, "Here. Invitation for our engagement party. Punta ka. I want to see you there."

"Uh- I'll try, Marpy." Ayokong pumunta, sasaktan ko lamang ang sarili ko.

"Please, Michelle." Nag-puppy eyes pa siya.

"Okay." Iyon na lamang ang naisagot ko.

Nauna na siyang pumasok sa company kaya't naiwan akong nakatayo at tulala. Hindi ko maalis ang tingin sa invitation na nasa kamay ko. Gusto kong punitin.

Nicolai & Marpy To Forever

Iyon pa ang title ng invitation sa front page.

"Pupunta ka? Huwag mong pilitin kung hindi mo kaya." Inilapag ni Clarity ang isang baso ng tubig sa lamesa.

Nagpaalam ako kanina sa company na biglang sumakit ang ulo ko, hindi naman sila mahigpit dahil wala masyadong ginagawa kaya't pinayagan nila akong mag sick leave ng dalawang araw.

Imbes na sa condo ay natagpuan ko ang sarili kong nasa harap ng bahay ni Clarity kanina, kaya't heto ako ngayon.

"Hindi ko alam."

"Huwag na Michelle. Magdahilan ka nalang, sabihin mo nilagnat ka."

Nagulat kaming parehas ng biglang dumating si Athena. Sa iisang Village lang kasi sila nakatira.

"Don't go." Umupo siya sa upuan sa harap ko, "Don't push yourself to your limits.."

"Tama. Hindi naman required na pumunta ka."

Napailing ako, "Sabi ni Marpy she want to see me there."

"Alam mo, nakakairita rin yang katrabaho mo." Naiinis na wika ni Clarity, "Sinasadya niya siguro yan."

"Hindi siguro, hindi naman niya alam na kilala ko si Nicolai at isa pa, ilang araw ko lang nakasama si Nicolai."

Umirap si Clarity at bumaling kay Athena, "You don't know anything? Kung bakit biglang engaged na si Nicolai? Sabi mo NGSB siya."

"I don't know. I tried to ask him pero hindi niya ako sinasagot at sinasabing huwag ko raw sasaktan si Marpy."

"Hindi mo ba kilala si Marpy? I mean, ngayon mo lang rin siya nakilala?"

Seryoso silang nag-uusap kaya't nakikinig lamang ako sa kanila.

"Yup. Nagulat nalang rin ako may invitation na dumating sa bahay." Kita ko sa mga reaksyon nila na naguguluhan din sa nangyayari.

"Baka arranged marriage?"

Umiling si Athena, "Malabo yan. Mayaman sila Nicolai at isa pa, hindi nila isinasali sa business ang ganyang usapin. Ayaw ng mga magulang nilang ikasal sila dahil sa pera."

Baka matagal na sila ni Marpy, baka sila na talaga dati pa... pero bakit ganon? Bakit sinabi pa niyang gusto niya ako kung meron naman palang Marpy.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now