Chapter 24

10 3 0
                                    

After a month noong umalis ako ay kasal ni Nicolai. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kasal niya. Wala naman akong balita. Hindi rin nagkwekwento sakin sila Nhicole at Clarity. Tila iniiwasan nila ang pagbanggit ng pangalang Nicolai, parang kapag binanggit nila iyon ay gumawa sila ng kasalanan.

"I don't like you, Michelle." Nakarinig ako ng tawa ng babae, sa isang iglap ay nasa tabi na ni Nicolai si Marpy habang tumatawa.

"Uto-uto ka talaga Architect." Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa sinabi niya, "Sa tingin mo ba magugustuhan ka talaga ni Nicolai?" Humalakhak siya.

"In your dreams." Napuno ang paligid ng tunog ng tawa ni Marpy, palakas ito ng palakas.

Hinihingal na binuksan ko ang mata ko. Managinip na naman. Sa loob ng dalawang taon ay lagi kong napanaginipan iyon, tila palagi akong hinahabol ng nakaraan.

Hindi pa ba sapat ang lahat ng nangyari sakin? Para bang kailangan ko pa itong balikan.

Alas sais palang pala, alas tres na ako nakatulog kanina dahil kinausap ko pa sila Nhicole. Napahaba ang kwentuhan namin.

Naninibago pa ang katawan ko sa temperatura at oras dito. Halos tatlong oras lang ang tulog ko. Nag-inat ako at ginawa ang morning routine ko.

Nagluto ako ng umagahan, onti lang dahil ako lang naman ang tao dito. Balak kong bisitahin sila Nanay sa Cavite ngayon at bibili na rin ako doon ng regalo para kay Blair gusto ko silang surpresahin.

Pagkatapos kumain ay kaagad akong naligo, pagkatapos ay nag-ayos na ako at umalis. Trouser at plain white na t-shirt lang ang suot ko. Para hindi hassle.

Pumunta ako sa parking lot, balak kong magmaneho ngayon. Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating ako ng Cavite.

"Ate!" Masayang salubong sakin ni Kristina. Ngumiti ako sakanya at niyakap siya.

"Namiss ka ni Ate."

Si Kristina ay 18 years old na ngayon, taking ABM as her strand, G12 na siya ngayon at graduating na, gusto niya ring maging CPA.

I will support her no matter what. Handa akong ibigay ang lahat para sa kanila ni Nanay, sila nalang ang meron ako. Kaya't hangga't maaari ay gusto kong ibigay ang makakaya ko para pasayahin sila.

"Musta? Nasaan si Nanay?" Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang simentado na naming bahay at mas lumaki na.

Isa ito sa pangarap ko noong nag-aaral pa palang ako, ilang taon nga lang ang lumipas bago ko natupad ngunit ang mahalaga ay natupad ko.

"M...Michelle.." Mangilid-ngilid pa ang luha ni Nanay ng makita ako.. "Mabuti't umuwi ka.."

Nakangiting yinakap ko siya, "Kumusta na po kayo?" Hinagod ko ang likod niya.

"Maayos ako dahil maayos ka.."

"Masaya akong maayos kayo, Nay.."

Hindi ko mapigilan tuluyan ng bumagsak ang takas na luha sa mata ko. Kaagad ko itong pinunasan, ayokong maging malungkot dapat masaya kami sa araw na ito.

Bumitaw siya sa yakap ko, "Pasok tayo.."

Tumango ako kaya't iginaya niya ako papasok ng bahay, si Kristina ay nakasunod sa amin.

Natigil ako ng makita ang loob, naka tiles na at bago na rin ang mga furniture, malawak din ang loob at may 2nd floor. Hindi ko mapigilang umiyak.

"Salamat.." Napatingin ako kay Nanay.

"Hindi na po kailangan, Nay. Para po sainyo ang lahat ng ito, ang ganda po." Natutuwang saad ko, hindi ko mapigilang mamangha.

"Siyempre. Anak ko ata ang Architect nito."

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now