Chapter 29

5 2 0
                                    

"I don't have a wife."

Tila napako ako sa aking kinakatayuan, hindi ako makatingin sa kanya. Nanatiling blangko ang isip ko.

"Hindi ko itinuloy ang kasal namin ni Marpy, hindi siya ang mahal ko." Humakbang siya papalapit sa akin, wala akong nagawa tila hindi ko maigalaw ang mga paa ko upang umatras papalayo sa kaniya, "I don't like you, Michelle."

Ang mga salitang iyon, naulit na naman.

"Because.... I love you." Hinawakan niya ang pisngi ko at ipinaharap ako sa kaniya, "Look at me, please." Nagmamakaawang saad niya.

Hindi man lang ako makapagsalita, ang mga pader na binuo ko sa loob ng dalawang taon ay tila onti-unting gumuguho dahil kay Nicolai..

"Hear me out." Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko, ang mga kamay niya ay hinahaplos ang mga buhok ko. "Hindi ako pumunta sa kasal namin kasi ayoko, hindi siya ang babaeng mahal ko, bakit ko siya papakasalan?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya, "Hindi ko gustong ma engaged kami. That night, tumawag si Daddy. May emergency daw kaya umuwi ako kaagad, pagdating ko'y nandoon na ang pamilya nila Marpy, sinasabing kailangan kong pakasalan ang anak nila dahil napagkasunduan iyon ng mga Lolo namin. Wala akong nagawa---.."

Pinutol ko ang sasabihin niya, "Hindi ka man lang lumaban.." Bulong ko, "Do you even try? S....Sinubukan mo man lang ba?"

Natigilan siya, "I'm sorry, Michelle. I have no power to speak for myself to my family. I'm the child who always obey what they want me to do, lalo na't si Lolo ang may pakana."

Tumalikod ako sa kanya, hindi ko kayang marinig ang mga sinasabi niya..

"Micelle, please.. I'm sorry."

Hindi ko siya pinakinggan at tuluyang sumakay sa kotse ko, nakita ko nalang ang sarili ko sa labas ng isang bar.

Walang isip-isip na pumasok ako sa loob at dumiretso sa counter, hindi iniisip ang mga posibilidad na mangyari.

Nakailang baso na ako, feeling ko naman mataas ang tolerance ko. Hindi naman ako bata, hindi ito ang unang beses kong uminom. But hindi ko pa nakikita ang limitasyon ko.

Unti-onti ko ng nararamdaman ang hilo. I dailed Clarity's number, ilang ring lang ay sinagot niya ito.

"Hello, Clarity." Maging iyon ay hindi ko masabi nang diretso. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag at uminom ulit.

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong tumabi sa akin, hindi ko ito pinansin, hinihintay ko si Clarity.

Ang tagal naman niya. Hilong-hilo na ako. Nakakaramdaman na ako ng antok kaya't yumuko ako, bago ako mawalan ng malay ay ramdam kong may bumuhat sa akin.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, maliban sa sakit ng ulo ay wala na akong ibang naramdaman.

Dahan-dahan akong bumangon, doon ko lamang napagmasdan ang paligid. Pinaghalong black and white ang kulay ng kwarto, halatang panlalaki... Panlalaki? Doon ako kinabahan.

Nasaan ako? Tanong ko sa isip. Natigilan ako at inalala ang nangyari kagabi, wala naman akong ibang ginawa kundi uminom hanggang sa mawalan ako ng malay.

Doon ko lamang naalala ang bumuhat sa akin, sino iyon? Sa kanya ba itong kwarto? Wala naman siguro siyang ginawang masama sa akin.

Bumukas ang pinto ng kwarto, nanatili ang tingin ko roon, tila napako ang mga mata ko....

"Nicolai..."

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now