11: Bad News

6 0 0
                                    

VESPER

"My Lady, kumalma muna kayo."

"Lady Vesper, we're very sorry."

"We sincerely apologize for your loss. We did our best but Young Master Kaido didn't make it."

Nagising akong tila umiikot ang mundo ko. Basa rin ang mga pisngi ko at tila mabigat ang aking dibdib. I think I had a very bad dream but I couldn't remember again its content. But I can still feel the pain in my chest.

I shake my head and forget it. I stood up ang get ready for my usual day.

So much for my big speech. What was it again? I'll prove that hard work beats talent?

Hard work beats talent my ass.

Ito lang naman ako ngayon, nakaupo, nag-t-tsaa at hayahay ang buhay ng isang rich, young noble lady. Tatlong araw na simula noong nagdeklara ako sa sarili ko na aaralin ko ang mahika. Noong unang araw ay ganado pa ako. Excited at on fire matuto.

But after reading the first page of that damn five inches thick magic book, my brain cells gave up. Mabuti na lamang at sinarili ko lang 'yong deklarasyon ko at hindi na binahagi pa sa iba. I would be in trouble if I did.

At simula noon ay kahit kailan hindi ko na hinawakan pa ang mga libro tungkol sa mahika. I don't even get near them and I get headaches just having a glimpse of them from my peripheral vision.

Gusto ko naman talaga mag-aral ng mahika. Seryoso, walang halong biro. Gusto kong matuto mag-isa tapos one day magugulat na lang ang mga tao, like wow, may talento pala talaga ako sa mahika! Confirmed, fake news ang chismis tungkol sa wala akong talento sa mahika!

Lalo na 'yong mga tao sa Magic Tower. Gusto kong magsisi sila at maghinayang na sinayang nila ang isang kagaya ko. And that jerk... Well, I don't need his apology dahil hindi rin naman ako hihingi ng tawad. Kung may dapat man ako hingan ang tawad ay 'yon yung kaibigan niyang si Ashley De... Basta, importante alam kong Ashley ang pangalan niya.

That was the plan... Not until sa tinamad ako.

I elegantly place the tea cup and saucer in the table. Sunod kong nilantakan ang dessert habang malalim na nag-iisip. Iniisip ko kung ano na ang gagawin ko ngayon.

"Abby," tawag ko rito nang may ideya akong naisip.

"Yes, My Lady. Please, speak."

"Naalala mo 'yong gardener natin dito? 'Yong kayang gumamit ng mahika? Siya 'yong nakita ko dati kaya gusto ko rin matuto, nasaan na siya? Can you bring him here?"

Napatingin ako dito ng nakataas ang kilay dahil sa pananahimik nito.

"I apologize, My Lady ngunit wala na si Kuya Hans sa estate. Ayun sa nalaman ko, nagtrabaho lamang siya dito ng ilang buwan upang makapag-ipon papunta sa Magic Tower kalaunan. I heard he already took the test there and got accepted immediately as one of the new magicians in the Tower."

I tap the table with my finger. Really? That's a shame. Hindi naman sa magpapaturo sana ako sa kanya ng mahika, magtatanong lang ako ng iilang katanungan. Some important points I needed to know if I want to learn magic or what.

"Do you want me to send a letter that you would like to meet him, My Lady?"

"No. It's fine."

[√]Lady of the White RoseWhere stories live. Discover now